EROS SPECIAL CHAPTER “Sigurado ka na bas a pagpapakasal mo?” tanong sa ‘kin ni Ace. Nagkabati na kami, kinausap niya ako tungkol sa mga plano ni Ayn dati na hindi ko agad nalaman. Alam nila ang nangyari kay Aura at hindi man lang nila ito sinabi sa ‘kin. Hindi naman pwedeng balewalain ko na lang ang ginawang pang-iikot sa ‘kin ni Ayn kaya naman palihim akong gumanti sa kanya. “Bakit naman hindi? Siya ang ina ng anak ko at magiging anak ko pa sa susunod.” Naguguluhan si Ace habang nakatitig sa ‘kin na para ba akong isang puzzle na hirap na hirap siya sa pagsosolve. “Don’t get me wrong, Ace. Matinong babae si Aura. Ikaw na nga ang may sabi noon na kahit minsan hindi mo siya nakitang may kasamang babae. ‘Wag mong sabihing naniniwala ka sa mga sinabi ni Ayn?” tanong ko sa kanya.

