CHAPTER 55 It’s Saturday at maaga kaming sinundo ni Bullet para maaga kaming makapunta sa mansion nila. Doon na raw kami maghahanda at para makapili kami ng mga susuotin ng mga bata. May kanya-kanyang bantay na rin ang mga anak namin at agad namang may lumapit sa ‘kin na make up artist. Hinayaan ko na silang lagyan ng palamuti ang mukha ko, kinulot pa nila ang buhok ko at binihisan ako ng isang royal blue na off shoulder na gown. Kapansin pansin rin ang likod ko dahil backless ito habang sa balakang ko. Nang lumabas ako mula sa dressing room ay halos malaglag ang panga ng kapatid kong si Eros. “Asaan si Bullet?” tanong ko kay Eros na nakatitig pa rin sa kabuohan ko. Mukha pa nga siyang na starstruck sa itsura ko. “You’re beautiful,” biglang bulong ni Eros kaya napangiti ak

