CHAPTER 56 “Mom, dad, ihahatid ko muna si Allysana at ang mga bata.” Paalam ni Bullet ng matapos ang party. Nauna nang umuwi si mom at dad dahil hindi pwedeng mapagod si daddy. Ang mga bata naman ay kasama naming ngayon sa kotse at tulog na tulog na dahil sa kakalaro nila kanina. “Kailan kayo uuwi sa bahay niyo, Allysana?” nagtataka akong tumingin kay mom. Ahmm, ngayon? Pero agad rin akong ngumiti ng pilit ng naintindihan ko ang tanong niya. “Sana makauwi na kayo sa bahay niyo para hindi na masyadong malayo ang araw-araw na byahe ni Bullet pag nagkataon.” “It’s okay, Mom. Gusto rin nang mga bata doon.” pagtatanggol ni Bullet at ngumiti sa ‘kin. “But, son, masyado kang busy ngayon at kung babyahe ka ng malayo para makauwi sa pamilya mo ay paniguradong mas nakakapagod ‘yun l

