CHAPTER 67 What hurts the most as I think about hearing those painful words you said isn’t what you said but who said them. Nakatitig lang ako sa kawalan habang hinihintay na makabalik ang mga anak ko kasama ang ama nila. Pagkatapos ng sagutan namin ni Bullet sa Pyramid Green ay pareho na kami nawalan ng gana sa isa’t isa. Hindi na ako muling nagsalita pa kahit pa gusto niya akong kausapin. I’m tired, terribly tired. Ayokong marinig ang paliwanag niya dahil pakiramdam ko ay hindi pa handa ang puso ko na masaktan muli. Tawagin niyo na akong duwag pero natatakot akong magmukhang talunan, pakiramdam ko ay pinagtatawanan na ako ng mga kalahi ko sa puntod nila dahil paulit-ulit akong nagpapauto sa iisang lalaki. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong di

