Umaliwalas ang mukha ni Snake ng marinig ang sinabi ni Marisol. "Dumiretso na kayo sa Quarter susunod na ako!"mariin na utos ni Marisol sa kasamahan. "Paano kami?" inosenteng saad ni Theros. "Di ba may kotse kayo!?"konot-noo na tanong ni Marisol. "Walang hangin ang kotse ko,flat 'to pagdating namin dito."Nang marinig nila ang usapan ng mga kasamahan ni Marisol na sa kanila pasakayin si Spencer agad sila nakaisip ng kalokohan.Kinuha ni Theros ang isang uri ng kutsilyo(saber grip knife) at binutasan ang gulong niya upang mawalan ng hangin.Lagi niya 'tong dala kahit saan siya magpunta,para pangunahing gamit niya upang protektahan ang sarili. Umiling-iling si Marisol dahil alam niya na kalokohan 'to ng dalawa.Lumapit naman sa gulong si Condrad upang tingnan kung totoo ang sinasabi ng dala

