"Anong meron kuya sa envelope na 'to?" Binuksan ni Oscar ang brown evelope na bit-bit ni Marisol at isa-isa nilatag ang mga larawan. "S-saan mo 'to nakuha?"naiiyak na saad nito. "May nag-send sa e-mail ko bunso! Iyan ang dahilan kung bakit hindi kita agad nabisita sa State." "B-bakit kuya hindi mo agad sinasabi sa akin."umiiyak ito at halos hindi makapiniwala. "I'm sorry,hindi ko sa'yo sinabi sa telepono dahil gusto ko personal natin pag-usapan ang tungkol dito!" "K-kuya hindi ako makapaniwala,Ibig sabihin,buhay si Daddy? P-pero sino ang nasa libingan?" "Malalaman natin pagpina-autopsy ko ang bangkay na nakalibing." Napasinghap si Marisol sa mga nalaman dahil halos buong buhay siya nagluksa sa pagkamatay ng magulang niya. Batay sa larawan dito,bago sumabog ang bahay niyo.May isang

