Chapter 15

1168 Words
Hindi na mapakali si Marisol sa kina-u-upuan.Nais niya na magpaalam para umuwi,gusto niya kasi malaman kung tama ang hinala niya tungkol kay Spencer nang biglang may kumatok at pumasok ang isang babae na ubod ng tapang ang mukha pero agad niya napuna masama ang tingin nito sa kanya. "Spencer,tumawag sa akin si Felicity,kanina pa daw siya tumatawag sa'yo pero hindi ka sumasagot,kaya tinagawan niya ako para sabihan ka na maya-maya daw tatawag siya ulit,"bago ito lumabas pasimple tumingin pa 'to sa Dalaga at ngumisi pa 'to. Samantala ang dalaga nakaramdam ng kirot,nang malaman na may Girlfriend na 'to. Tumayo ang dalaga upang,magpaalam magbabanyo lang 'to. "I'm sorry to bother you two, I'll just go out to go to the bathroom." "Samahan nakita,"saad ng binata. "No,mukhang seryoso ang pinag-u-usapan niyo.Magtatanong nalang ako sa labas,"nakangiting wika nito. "P-pero baka ma paano ka?"pag-aalala nito. kaya palitan ang tingin ni Theros sa dalawa kasi iba ang dating ni Spencer na pag-aalala sa dalaga,at ni minsan hindi niya 'to nakita sa iba. "Don't worry kaya ko,tumayo 'to at lumabas na".Paglabas niya ng Opisina agad sila nagsalubong ng tingin ng babae. "Ngumiti ka ngayon dahil pabalik na si Felicity,pagkatapos hindi kana papansinin ni Spencer."Nasaktan si Marisol sa sinasabi nito at kanina pa siya boysit dito. "Remember this face dahil sa pagbabalik ko dito sisiguradohin ko na yuyuko ka sa akin.."suminyas 'to ng gitnang daliri at nginisihan ang babae pagkatapos sumakay na siya sa elevetor at umuwi. "Bakit Bro,panay tingin ka ng relo,may appointment ka ba?" "W-wala Bro,pero si Marisol kasi wala pa." "Ay,Oo nga pala bakit hindi pa siya bumabalik,"nagtatakang sagot ni Theros.. Wait lang Bro.Lumabas 'to para hanapin si Marisol. "Hi,Jen! nakita mo ang babaing lumabas kanina lang?" "Ah 'yong naka leather jacket,matangkad at sexy?" "Y-yes Jen! where is she?" Nakasagotan kanina ni Carme,pero pagkatapos sumakay na 'to ng elevetor. "f**k!"napamura 'to at tumakbo sa private elevetor para bumaba.. "Jen nasaan si Spencer?" "Sinundan yata ni Kuya ang babaing lumabas kanina ng opisina niya!" "May napupuna ka ba sa kanila?" "B-bakit?"inosenteng tanong nito "K-kasi si Bro. Spencer bihira nalang 'yan pumunta sa bar,tapos nababaliw 'yan kakahanap ng address ni Marisol." Napuna din 'to ni Jen basta ang babaing 'to ang pag-usapan kahit sa gitna ng meeting lalayas 'to.Tulad kanina dapat pupunta 'to sa site pero nang may nakapagsabi nakita ito sa restaurant agad niya 'to pinuntahan.. "I think siya na ang kakabaliwan ni Kuya.."sabay ngisi nito. Laglag balikat na bumalik si Spencer atukhang galit 'to. "Bro. nakita mo siya?" Ngunit hindi 'to sumagot at palinga-linga 'to na parang may hinahanap habang ang mga kamay niya ay nakayukom ang mga kamao nito. "Spencer,answer the phone tumatawag ulit si Filicity."saad ni Carme Ngunit Umigting ang panga nito at hinarap si Carme. "Ano ang sinabi mo bakit umalis siya?ano? sagot!!" at hinablot ang cellphone sa kamay ni Carme at binato 'to sasahig.durog na durog 'to,napanganga nalang si Carme sa nasaksihan kay Spencer. "Next time huwag mo pakialaman ang buhay ko,dahil kahit investor at kaibigan pa kayo ni Daddy,hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka dito." Napa-awang ang labi ni Carme sa inasal ni Spencer. "Susumbong kita kay Felicity,"at padabog 'tong umalis. "Bro. bakit mo naman ginagawa 'yon kay Carme,friend din siya natin." "Friend niyo lang hindi sa akin."galit na saad nito... Samantala walang maisip na tawagan si Marisol dahil wala si Bakz busy naman si Marie sa mga anak ganun din Marites.Si Marga naman nasa state.Kaya tanging si Oscar lang pwedi niyang lapitan. "Pakner,tapos na kayo mag-usap?"pinagbuksan 'to ni Oscar ng pinto ang dalaga. "Hindi,umuwi na ako dahil naiinip na ako."pagsisinungaling nito. "Saan tayo?" "Gusto ko muna kumain at gutom na ako ulit." "Okay sa bahay muna tayo uuwi! ipagluluto kita." "Sige,wake me up pagnasa bahay mo na tayo." Pagdating sa bahay ni Oscar,agad naman ang binata ng handa ng pagkain.Habang busy sa pagluluto si Oscar naglibot-libot si Marisol sa bahay nito hanggang sa nakita niya ang lumang litrato na naka-display sa maliit na mesa malapit sa bintana. Fuck,kamukha-kamukha siya ni Daddy. Naiiyak si Marisol sa nakita nito.Halos matumba na siya sa pangangatog ng binti niya ng tiningnan ang ang nakasulat."Martial Oliver" nabitawan ni Marisol ang letrato buti hindi 'yo nabasag. Ano ang nangyari pakner bakit ka umiiyak?hingal na tanong ni Oscar S-sino siya?nauutal nitong tanong.. "That's my Dad,pero hindi ko na siya makikita."malungkot na saad nito. "Why? n-nasaan siya?umupo 'to sa sofa dahil nanginginig ang buong kalamnan niya.." "Namatay siya dahil sa kanyang trabaho.He protect someone,pero ang sariling pamilya niya ang napahamak kasama na siya." "Paano mo siyang naging Daddy?"segundang tanong ni Marisol "Kahit nahihiwagaan ang binata sa kaibigan, sinagot niya parin ang mga sunod-sunod na tanong nito."Si Mama ay kasintahan niya noong nasa Kolehiyo sila.Pero after nila magtapos nagkahiwalay sila,nagkaroon sila ng lost communication until they meet again.Pero si Mom kasal na sa tumayong ama sa akin.At ganon din si Daddy kasal na rin..After a month, pagkatapos may mangyari sa kanila na buntis si mama.Noong una nagalit si Daddy dahil sa pagtataksil nito pero lumipas ang ilang buwan at malaki na ang tiyan ni Mama at gusto niya umalis sa poder ni Papa,pinigilan siya nito, tinanggap ako ni papa ng buong-buong na para tunay na anak niya.Masaya ako sa aking buhay kaya kahit kailan man hindi ako nag-alinlangan sa pagmamahal nila.Hanggang isang araw naaksidente silang dalawa..May lasing na nag-amok sa grocery at minalas dahil kasama sila sa mga natamaan.."Umiyak na si Oscar at halos hindi na matapos ang kinukwento nito at ramdam na ramdam ang pighati at kalungkotan sa boses nito.. "Doon nila sinabi sa akin hindi ako tunay na anak ni Daddy.Una, nasaktan ako dahil sa sobrang tagal ng panahon itinago nila sa akin.Pero napagtanto ko, sobrang swerte ako dahil may mga magulang ako tulad nila...After ng libing nila inayos ko muna ang lahat ang at hinanap si Daddy..Tanging ang picture at pangalan ni Daddy ang bitbit ko,sa paghahanap sa kanya.Ginamit ko ang pera naiwan nila sa akin.Kumuha ako ng mga private investigator para hanapin siya,pero huli na ang lahat,we found out that he's already dead a month ago.Sobrang sakit hindi ko man lang siya nakilala at ang mga kapatid ko.."Sila ang dahilan bakit pinasok ko ang pagiging Agent. Umiyak si Marisol dahil sobrang gulat na gulat siya sa natuklasan niya.Humagolhol 'to nang husto. "Pakner,b-bakit?huwag kang masyadong umiyak hindi maganda sa buntis 'yan." "K-kuya your w-wrong!" "What do you mean?"naguguluhan tanong ni Oscar. "Hindi ako patay,buhay na buhay ako. Ako si Martina Oliver ang bunso mong kapatid."Yumakap 'to sa kapatid at sobrang higpit,basang-basa ang damit ng binata dahil sa mga luha ni Marisol.. Nanlaki ang mata ni Oscar sa isiniwalat ni Marisol..kaya napayakap din 'to nang mahigpit. "W-walang nakakaalam sa nangyari sa buhay ko.Mas pinili namin itago ang tunay ko na katauhan para na rin sa seguridad ko.At sobrang na guilty ako dahil kahit ang mga matalik ko na kaibigan hindi nila alam.." "You need to tell them,dahil karapatan nila 'yon.Huwag mong hayaan na sila pa ang makatuklas" Kahit alam nila na magkapatid sila.Mas minabuti parin nila ang magpa-DNA test for legal purposes....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD