Chapter 14

1112 Words
"Ito kasi Pakner masyadong mapanakit,aba'y tawagin ba naman akong gurang." Umirap lang si Spencer at hinila si Marisol papunta sa mesa. "T-teka lang Spencer,namimili palang ako ng pagkain."nai-inis si Marisol dahil sa kinikilos ni Spencer dahil daig pa n'to ang asawa. "Ako na ang bahala.Dito ka lang umupo at ako na ang kukuha nang pagkain"saad ng binata. "Pakner,boyfriend mo ba iyon?bakit pag umasta parang pagmamay-ari ka niya."inis na inis si Oscar habang sinasalin ang mga alimasag at malalaking sugpo sa plato ni Marisol. "Bakit dito ka umupo humanap ka ng ibang upuan,nakita mo naman good for two person lang 'to d'ba?diin na saad ni Spencer kay Oscar Boysit na si Oscar sa binata kaya hinamon niya 'to. "Ako ba ay ginago mo Bro.?,hindi porket mayaman ka.Ganyan ka na umasta.Hindi mo pa ako kilala baka gusto mo makatikim ng kamao ko.gigil na gigil si Oscar sa binata kaya hinamon niya nalang ito dahil para sa kanya gwapo lang ang mayroon 'to. Nakita ni Marisol na seryosong nagkakainitan na ang dalawa, kaya sinipa niya na si Oscar upang patigilin na ito dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. "Pakner,umupo kana dito kumain nalang tayo dahil may gagawin pa tayo sa opisina." Umupo naman ang dalawa at nasa gitna siya ng mga 'to. "Ano gusto mo pakner?"malambing na tanong ni Oscar. "Gusto ko nang alimasag."Agad naman binigyan ni Oscar si Marisol ngunit hindi nagpatalo si Spencer. "Ito pakner ang alimasag!"nakangiting saad ni Oscar. "Baby,mas masarap ang sugpo lalo na pag may saw-sawan." "Hindi pakner mas masarap ang steam fish na 'to,bukod sa fresh,masarap pa ang pagkatimpla." "No,Baby mas masarap talaga ang grilled Fish dahil napaka-juicy nito."saad naman ni Spencer "Mas masarap ang sa akin,"saad ni Oscar "Mas masarap sa akin dahil marunong ako pumili hindi katulad mo puro matatandang alimasag at isda ang kinukuha mo." "Aba,tarando ka tlaga no! masyado mo ako pini-personal ahh." Halos maghahalikan na sina Oscar at Spencer dahil ang lapit ng bibig nila sa isat-isa.Samantala si Marisol napahilot sa sentido dahil sa ingay ng dalawa kaya napasigaw ito ng malakas. "Tamaaaaa naaa..! andito ako para kumain may kamay ako at hindi ko kayo kailangan," inis na saad nito sa dalawa. Natamimi ang dalawa kaya umupo nalang 'to nang walang imikan.Pero makalipas ang ilang minuto nakaramdam na lang siya ng ingay sa ilalim ng mesa.Ramdam.niya ang na nagsisipaan 'to sa ilalim ng mesa dahil minsan na siyang natamaan. "Hindi talaga kayo titigil? daig niyo pa ang bata sa ginagawa niyo,"saway ng dalaga. "Ikaw Spencer,d'ba may trabaho ka pa kaya bumalik ka na, please."inutusan 'to ng dalaga dahil sa sobrang inis niya dito. "Oo nga, umalis ka na dito dahil kami naman talaga ang may Date nakisawsaw ka lang dito,"ngiting tagumpay ni Oscar.. Ngunit kahit anong utos ni Marisol hindi parin 'to umalis.. "Pakner paalisin mo na 'yan kunti na lang makakatikim talaga 'yan sa akin." "Relax pakner maraming tao dito oh.." "Sir,may tumawag sa'yo.Kanina pa 'to tunog nang tunog."hinatid ng driver ang Cellphone nito dahil ang paalam ng binata may titingnan lang siya sa loob pero halos isang oras na hindi pa 'to lumabas. "Hayaan mo sila."tipid na sagot nito ngunit masama parin ang titig nito kay Oscar.. "Pakner, I think we need to go,total busog naman ako."Yaya ng dalaga dahil walang magpapatalo kaya minabuti niyang bumalik nalang sa Opisina kaysa sumama sa dalawa. Hindi umimik si Spencer ng magpaalam ang dalaga ngunit nakangisi naman si Oscar at tinapik pa nito ang binata. Nang bumukas si Oscar ng pinto, laking gulat nito na nasa likuran din Spencer. "Bro. may nakalimutan ka?" "S-sama ako sa inyo!seryosong saad nito." Akala ni Oscar nagbibiro lang 'to kaya hinayaan niya 'to.Ngunit laking gulat nilang dalawa nang pumasok din 'to sa loob ng sasakyan. "f**k,pakner ang lakas ng tama sa'yo ng gagong 'yan." Lumabas si Marisol at ganun din ang dalawa. "Ano ba ang problema Spencer? bakit mo ako ginugulo?"asar na tanong nito sa dalaga. "Ikaw,hindi mo kasi ako pinapansin kaya naiinis ako.Hindi ako makapagtrabaho nang maayos dahil ikaw ang laman nang isip ko, tapos malalaman ko may iba kang kasama sa tingin mo magiging maayos ako."diretsong saad nito. Napatampal ng noo si Marisol sa ginagawa ni Spencer. "Ipaalala ko sa'yo,hindi mo ako girlfriend o asawa.Kaya malaya ako na sumama kahit kanino.Please tantanan mo na ako."sabay talikod nito,ngunit bago pa 'to nakahakbang nahawakan na ng binata ang kamay nito, "Y-yes ngayon hindi mo pa ako boyfriend,pero I'm willing Baby,hayaan mo ako na ipakita at iparamdam na seryoso ako." Nang makita ni Oscar na hindi nagbibiro ang binata siya na mismo ang nagpaalam pero bago pa 'to umalis pinagbantaan niya mo na 'to "Sa ngayon pagbibigyan kita pero oras na niloko mo ang pakner ko sisiguradohin ko sa'yo tatanggalan kita ng isang bayag."sabay suntok nito ng bahagya sa sikmura. Napahawak naman sa sikmura si Spencer dahi sa ginawang pagsuntok ni Oscar.Pero hindi niya 'to pinatulan. "Saan ka pupunta?"tanong ni Marisol kay Oscar. "Pakner mauna na ako,siguro kailangan niyo mag-usap dahil mukhang tinamaan 'yan sa'yo."sabay kindat nito. "Please Baby,hayaan mong alagaan ko kayong dalawa." Napailing na lang si Marisol dahil nagugustuhan niya din ang ginagawa ni Spencer kaya hinayaan niya nito kahit nangangamba siya . "Saan mo ako dadalhin?"nagtatakang tanong ng Dalaga. "Pupunta tayo muna sa Company,masayang saad nito sa dalaga.nakahawak 'to sa kamay ng dalaga ng mahigpit." "Spen masyadong mahigpit ang hawak mo,"nahihiyang saad nito. "S-sorry baby!" Pagdating sa Company bumaba na sila mismo sa harapan kaya lahat nang nakakita sa kanila napanganga ang mga 'to. Bukod sa magandang mukha ni Marisol napaka-perfect nang katawan nito.Malaki din ang hinaharap nito at ganun din ang pang-upo kaya kahit sinong lalaki talagang maakit sa kanya. "Baby, huwag kang tumingin sa kanila,"hinila nito si Marisol at kinabig sa bewang habang naglalakad. "Spencer tanggalin mo ang kamay mo nakakahiya!"bulong nito sa binata ngunit si Spencer mas lalo pang diniinan ang pagkahawak nito sa kanya. "Goodafternoon Bro! sa'yo din magandang binibini,"sabay ngisi nito ngunit ang mga mata niya nakatitig sa dibdib ng dalaga. Pinanlakihan ng mata ni Spencer ang kaibigan dahil sa ginagawa nito.."Bro mamaya na tayo mag-usap dahil ayaw ko madistorbo kami ngayon ng Baby ko." "Mabilis lang 'to.At saka kung ako sa'yo i-uwi mo na 'yan dahil sigurado ako marami kang kaagaw diyan." pilyong saad nito "Pwedi ba Theros huwag mong sirain ang araw ko,kung ayaw mo ipa ban kita dito sa Companya ko.seryosong saad nito." "Ikaw naman hindi kana mabiro.Pumunta ako dito para doon sa pinapahanap mo na babae." "Okay,saglit ka lang tapos umalis kana!" Samantala si Marisol nakikinig lang 'to sa usapan nang dalawa kahit hindi niya buong alam ang pinag-uusapan alam niya siya ang pinapahanap nito dahil tugma 'to sa nangyari sa kanya pero gusto niya muna makasigurado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD