Confrontation I

2031 Words
PANSIN na pansin kung paanong magdalawang-isip si Alana kung bababa ba siya at lalabas ng sasakyan o ano. Napansin iyon ng kanyang personal driver pero dahil sa hindi pa naman ganoon ka-close ang driver kay Alana ay itinikom lang nito ang bibig at tahimik na naghintay na lumabas ang kanyang amo. Ang isa pa ay nakasanayan na rin ng driver ang ganoong eksena magsimula ng pumasok ulit sa school si Alana tatlong araw na ang nakalilipas. Ngayon ay Huwebes at ang ika-apat na araw magsimula nang pasukan ni Alana. Dahil nga sa kasagsagan ng pasukan ang birth month ni Alana, natural lang na may pasok kaagad pagkatapos ng selebrasyon niya. Nasaktuhan naman na Friday ang araw ng kanyang kaarawan kaya naman may dalawang araw din niyang na-enjoy ang after-party niya. Well, she actually didn’t enjoy it because of those things that happened after her birthday night, but it turned out better in the end. Apat na araw na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang lahat ng iyon sa pamilya niya. Kung tutuusin ay hindi naman ganoon karami ang pinagdaanan nila sa nakalipas na weekends pero parang ang daming nangyari sa nagdaang mga araw. From the fact that she was reborn the day of her eighteenth birthday, she was soon bombarded with the pressure of wanting to change her fate, and she made the biggest and most unexpected decision the night of the same day. Iyon nga ang kanyang wish kung saan gusto niyang maikasal at ma-engage sa kanyang tiyuhin. Then the problem started right after, when her mother strongly disagreed with her engagement the next day. Isang araw din niyang pinag-isipan ang tungkol sa kamaliang ginawa niya at ganoon din naman ang kanyang ina na kahit nga gaano pa ito katutol sa kasal ay sa huli’y pumayag na rin ito sa takot na baka makaapekto iyon sa kanya. In the end, despite the dispute, her engagement with her uncle will happen. Hindi tuloy alam ni Alana kung matatawa na lang siya dahil nga sa parang pagpipigil sa kanya ng tadhana pero sa huli ay napagbigyan pa rin siya sa kagustuhan niya. Hindi pa man siya ganoon nakaka-move on sa katotohanang ikakasal nga talaga siya kay Gavin, pero dahil nga sa start na ulit ng pasukan ay kailangan niyang panindigan ang naging desisyon. Now another problem appeared after the thought of finally solving the first problem. At iyon ay walang iba kung ‘di ang mga taong maaari niyang makasalamuha pagdating niya sa school. Dahil siguro sa pagka-busy niya sa pag-iisip tungkol sa naging desisyon niya, nakalimutan na niya na hindi lang pala ang kanyang pamilya ang kailangan niyang kaharapin kung ‘di ang mga kaibigan at kakilala sa paaralan. She may be able to expertly divert her parents’ and uncle’s approval, as well as her classmates and friends, but she was still not ready to meet Kaede after that. Hindi dahil sa may nararamdaman pa siya rito kung ‘di dahil sa hindi pa siya handang harapin ang lalaki at lalong hindi niya pa alam kung paano magpapaliwanag sa kanya ng hindi naaapektuhan ng nararamdaman mula sa nangyari sa kanya bago siya bumalik sa nakaraan. And for the past three days that she had been going to school, it had also been three days since she started hiding away from Kaede. Bahala na kung mahalata ng lahat ang pagiging iwas niya basta gusto niya munang gawing handa ang sarili bago harapin si Kaede. Of course, it would be impossible to not have a chance to meet with Kaede in those three days but Alana actually thought of many excuses every time they would meet. Katulad na lang noong Lunes kung saan dinayo talaga siya ni Kaede sa classroom niya. Hindi kasi sila magkaklase kahit pa nga pareho lang naman silang business course ang kinuha. Unang excuse na pumasok sa isip ni Alana ay tungkol sa paghahanap sa kanya ng kanilang guro at adviser ng photography club na sinalihan niya. Mukhang nakikiayon naman sa kanya ang tadhana ng araw na iyon dahil halos lahat ng oras niya sa school ay itinuon niya sa mga club na kinabibilangan niya. Kung noon ay palagi niyang inirereklamo sa tuwing nauubos ang oras niya pabalik-balik dahil sa dami ng club na sinalihan niya ay grabe ang pasasalamat ni Alana ngayon sa old self niya dahil nga nagkaroon siya ng dahilan para iwasan si Kaede ng hindi ganoon kahalata. Next month na kasi ang school festival at lahat nga ng mga clubs ay nagsisimula nang maghanda ng kani-kanilang booths at pakulo sa padating na school event. And as an officer of many clubs; journalism club, photography club, theater club, reading club, key club, volleyball club, female basketball club, at Taekwondo club. Hindi lang iyon dahil kahit ang mga walang kwentang club katulad ng Pop Club, Otaku Club, at ang Shakespear Club na hindi na maalala ni Alana kung bakit niya sinalihan. Dumagdag pa na siya lang naman ang presidente ng student union council dahilan para mas lalo siyang maging busy. Mabuti na lang din at puro meeting lang naman ang mga club tungkol sa mga gagawing pakulo sa school festival. So from Monday to Tuesday, Alana was busy with meetings after meetings that even she had no time to think about other things. As for what happened yesterday which is Wednesday, it was when Alana had no choice but to lie and keep lying just to escape from Kaede. Tapos na kasi lahat ng mga club na sinalihan niya sa mga meeting at naibigay na rin ang mga task ng bawat club members kaya libre na ulit si Alana. Kaya naman nahirapan si Alana na gumawa at maghabi ng mga excuses para lang layuan si Kaede na halos lahat ng free time niya ay pinupuntahan siya sa room para lang makausap siya. Halatang-halata na talaga siya kahapon na iniiwasan niya si Kaede na bulag na lang yata ang hindi makakapansin. So she’s also sure that Kaede finally notice that she’s evading him. And now, it was another day to create more lies and sin more. Isipin a lang niya ay parang gusto na lang um-absent ni Alana sa school. “Miss, malapit na po mag-bell. Papasok po ba kayo?” ani ng driver na pumukaw sa atensyon ni Alana. Pagtingin niya sa suot na wristwatch ay nakita niyang limang minuto na lamang ay tutunog na ang bell para sa unang klase niya. Gustuhin man niya o hindi, walang naging pagpipilian si Alana kung ‘di ang lumabas ng kotse at tumakbo papasok ng school matapos magpaalam sa driver. Whatever happens today will happen. Bahala na lang kapag nasa sitwasyon na ulit siya. Iyan ang sabi ni Alana pagpasok pero hindi naman niya inakalang dadalhin kaagad siya sa ganoong sitwasyon nang hindi man lang nag-iinit ang upuan niya. Pagkapasok kasi ng guro nila sa room ay ang pag-anunsyo nitong pinapapunta siya sa student council office para sa isang meeting. Wala namang kaso iyon kay Alana noong una. Not until she saw Kaede was also waiting with the other officer that she only remembered that he was also part of the student union. He was even the vice president. Maybe she finally lost all her God’s given grace and became unlucky early in the morning. “Okay so, as what Mrs. Hudson told us, we have to have a quick meeting today since all the clubs had already passed their club proposal for the school fest next month. She has given us until tomorrow to sort all the proposals and make sure that no club will have an approved proposal before Friday ends.” Mrs. Hudson is the student council’s advisor and handler. Kaya naman kahit pa nga si Alana ang presidente ng student union ay kailangan pa rin nila ng handler na siyang mamumuno sa kanila. Although, Mrs. Hudson was not there to take the lead among them but she was only there to guide them as student leaders. Nasa kanila pa rin naman ang huling desisyon samantalang parang guardian naman nila si Mrs. Hudson. Dahil nga sa sila ang namumuno sa bawat estudyante ng school, they were also tasked to make sure that the upcoming event will be clean and smooth. So it was their task to check all the club proposals first before being approved by them as well. “For now, let’s sort all the proposals. Took all the same proposals and separated all proposals who didn’t have similarity with the rest. Once all the proposals are sorted out, give me all the unique proposals and those who have nothing similar for me to check them. As for the rest, quickly return them to the clubs together with a copy of the list of the approved proposals. Make sure to remind them to return their revised proposals before the day ends. Let’s start.” Pagkaanunsyo ni Alana noon ay kanya-kanyang kilos ang mga officers kasama niya. Dahil hindi naman iyon ang unang beses nilang ginawa iyon, alam na ng lahat kung paanong sorting ang gagawin nila. It was like before, the secretary and the auditor would write a proposed booth on the board and the other would type it in the laptop. The rest will be the one reading the proposals. Nakikinig naman si Alana at kapag may maririnig siyang hindi maayos na proposal ay ipapahiwalay niya kaagad iyon. Since the university is a big school with many lists of available courses, it was also natural that there are a number of clubs listed. Lalo pa nga at bawat taon ay may mga estudyante ang pilit na gumagawa ng bagong club na naisin nila. Hindi naman kasi mahirap ang requirements sa pagbuo ng club. Aside from the required club members for registration, kailangan lang nila ng starting financial balance para makapag-register ang club. So there are actually more than fifty registered clubs who probably prepared at least three proposals with them. Kaya naman kahit pa nga maaga silang nakapagsimulang mag-sorting sa umaga, inabot pa rin talaga sila ng tanghalian. “Ah, natapos din!” saad ni Diane, ang student union secretary na nag-unat pa ng mga braso. “Sheesh! Lagpas one na pala! Nalipasan na ako ng gutom!” reklamo ni Josh na siya namang chairperson at representative ng Business Department. “Pres, here’s the list of all the original proposals. Na-distribute ko na rin iyong mga proposals na kailangang ibalik sa mga clubs sa mga chairperson at representatives kaya sila na ang bahalang magbalik noon. Hinihintay na lang iyong printed lists mula kay Jane,” ani naman ni Bianca, ang kanilang historian, na mangilan-ngilan din ang papel na ibinigay kay Alana. “Okay, thank you. You can have your lunch na muna bago tayo magpatuloy sa tasks niyo,” nakangiting ani Alana. She can hear some officers and representatives cheering that some of them quickly left the room. Naiiling na hinayaan naman ni Alana ang mga itong makaalis. “Paano ikaw, Pres?” nag-aalalang tanong ni Jane, the secretary. Bago pa man makasagot si Alana ay biglang nagsalita si Kaede na kanina pa tahimik sa tabi niya. “I already ordered take-outs for us. You three can also take your lunch,” Kaede said, pertaining to Jane, Bianca, and Samuel—the treasurer—who was left with them. Nagkatinginan muna ang tatlo bago naunang tumayo si Samuel. “Then we’ll be going, Kae, Eybi. And please talk it out. We’ll make sure to give you two enough times to talk and no one will disturb you. Let’s go, Bee.” Samuel took his and Bianca, his girlfriend’s things and let her out of the room. Si Jane naman ay nag-aalalang napatingin muna sa kanila bago sumunod sa dalawa. Now it was only Alana and Kaede who were left alone in the room. Parang gusto na lang niyang mapahilot sa kanyang sintido. She became so preoccupied with their tasks that she once again forgot about Kaede. Being in the same circle of friends with Kaede, nakalimutan din niya ang tungkol doon. Ngayon nga at tuluyan na siyang na-corner leaving her with no excuse. Mukhang wala na talaga siyang choice kung ’di ang harapin si Kaede. And maybe, it would be for the better.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD