SA UNANG pagkakataon ay muling natunghayan ni Alana ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng tiyuhin. Those stiffed looking facial muscles finally stretched as Gavin had his first laugh since his screen time.
Hindi naman iyon ganoon kalakas o todong tawa. Naroon pa rin ang pagiging metikuloso nito at pagiging marangal. But it was a genuine one that Alana couldn’t help but stare at.
There is no doubting that her uncle is really handsome. More so than all the men that Alana had seen both in her first and current lives. And she could even bet that even in her current life, she will never find anyone who's a more dazzling and mesmerizing man than this uncle of hers.
She never thought that this big shot in the future would be in front of her, teasing her.
“Pero seryosong usapan na, Uncle Gavin. I really am sorry for trying to use you on my petty revenge,” muling hinging paumanhin ni Alana sa tiyuhin matapos nitong tumawa.
"Okay, I will accept your apology if you will proceed with your little revenge.”
“Eh?”
Alana was stunned. Nagulat siya hindi lang dahil sa pagbibigay bigla ng kondisyon ni Gavin para lang mapatawad siya kung ’di dahil na rin sa ibinigay nitong kondisyon sa kanya.
Hindi muna sumagot si Alana sa halip ay pinag-isipan niya muna nang maigi kung ano ba ang ibig sabihin ni Gavin sa kondisyon niya.
Gusto ba nitong ipagpatuloy ni Alana ang balak nitong panggagamit sa kanya para lang makapaghiganti? Eh, hindi ba’t dahil doon kaya gustong humingi ng tawad ni Alana sa kanya?
O baka hindi naman talaga ganoon ang ibig sabihin ni Gavin. Maybe he wanted her to proceed with her plan of revenge but with a different strategy this time. Iyong hindi na kailangang manggamit pa ni Alana ng ibang tao.
Mukhang napansin naman ni Gavin ang pagkalito ni Alana kaya muli itong nagsalita at nilinaw ang ibig sabihin.
“You’re not wrong on wanting to take your revenge, Alana, and there’s nothing wrong with your chosen way of extracting your revenge.”
Nanatiling tikom ang bibig ni Alana, at hinayaan lang na magsalita si Gavin. But honestly speaking, it was not because she wanted to listen but because she didn’t know how she would react.
“I would approve of your revenge no matter what. After all, we can’t let the only princess of our Domingo family be bullied. If your mother hears how that Esguerra kid made a fool out of you, I know she will also be mad that she wouldn’t care about your revenge anymore.”
“So let’s get on with this revenge. As for your mother, let me talk to her about it. I know you can’t clarify everything to her so I’ll handle it.”
Wala sa sariling napatango si Alana. Bakas sa mukha niya na wala talagang pumapasok sa utak niya sa mga sinasabi ni Gavin. Para bang naging inutil si Alana at wala siyang maintindihan sa mga iyon.
Kung hindi nga dahil sa pagkakatitig sa kanya ni Gavin ay baka nakatulala lang siya at hindi makatango.
And Alana was no longer surprised when for the second time, Gavin once again understood that she no longer understood what was going on.
Probably because Alana wasn’t hard to read, whatever she was feeling at that time was clearly plastered on her face. Her face says all.it all
O baka naman dahil sa may kakayahang magbasa ng iniisip si Gavin kaya naman ganoon na lang nito kabilis malaman kung nakukuha pa ba niya o naguguluhan na si Alana.
Mahinang napabuntonghininga si Gavin bago seryosong nagsalita. “Let’s get married, Mi Cara. But as of the moment, maybe we should get engaged first. I’ll make sure that you can take your revenge and that Esguerra kid will regret letting go of a precious little one like you.”
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapagdesisyon si Alana kung papayag ba siya sa inialok sa kanya ng tiyuhin niya. Another day passed since she was given time to think and decide by Gavin.
Ang nangyari kasi niyan ay tinapos ni Gavin ang pag-uusap nila nang araw na iyon sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa kanya ng isang linggong palugit. At kinabukasan nga ay bigla itong nagpaalam sa kanya at sa mga magulang niya na kailangan nitong umalis pansamantala dahil may kailangang asikasuhin.
And since then, two days have passed and Alana is still unable to make a decision. May limang araw pa naman siyang natitira pero sa mga nagdaang araw ay tila ba kay bilis lumipas nang oras para kay Alana.
Ang akala niyang makatutulong ang pagbibigay nang space sa kanya ni Gavin ay mukhang wala din namang silbi dahil nga sa hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya ganoon pinapansin ng kanyang ina.
Well, not totally ignoring her but she became so indifferent to her that it was very obvious from how her mother treated her currently.
Kinakausap pa naman siya ng ina pero hindi na katulad noon na may enthusiasm sa bawat ngiti at tingin nito sa kanya. Pero hindi naman din niya masabi na nagbago ang trato nito sa kanya nang buong-buo.
It was like her mother was always in a daze. Palaging nakatulala at walang gana kung kumilos. Dahil doon ay sa tuwing kinakausap niya ang ina, maging nang kanyang ama, parang walang pake si Elena.
So that’s why Alana was still hesitant to agree with Gavin’s proposal to her. Because she knew that her mother was still greatly affected, Alana really couldn’t take seeing her mother end up like that.
Isang malakas na tunog ang gumising sa diwa ni Alana. Hearing the sound of something glass that was shattered coming from her parent’s room, Alana hurriedly came out of her room to take a look.
“Let me take care of that, my queen. Baka masugatan ka pa,” ang masuyong babala ni Guilberto sa asawa.
Iyon naman ang pangyayaring naabutan ni Alana pagkapasok niya sa loob ng kwarto. Nakatayo ang mga magulang niya hindi kalayuan sa kama kung saan sa paanan nila ay may mga basag na baso at mangkok kung saan may halong sabaw na natapon.
“W-what happened, Dad?” nautal pang tanong ni Alana at mabilis na dinalugan ang ama sa pagliligpit ng mga basag na parte.
“Ako na rito, princess. Just help your mother to the bed,” utos ni Guilberto at pinigilan ang kamay ng anak na dadampot din sana nang mga nabasag.
Mabilis na napatingin si Alana sa kanyang ina na nakaupo pa rin sa gilid ng kama. Tears were streaming down her cheeks as she watched her husband take care of her mess.
Seeing that, Alana couldn’t care about her father anymore and she quickly hugged her mother.
“Don’t cry, Mom. It’s not your fault. Wala din namang nasaktan or nasugatan kaya hindi ka dapat umiiyak,” pagpapatahan ni Alana kay Elena.
“I-I’m sorry, Eybi. I’m really sorry for being a mess right now…” umiiyak na ani Elena sa anak.
“Shh…It’s okay, Mom. It’s alright…”
Alana felt so frustrated and confused that she just wanted to cry with her mother as well. Hindi niya alam kung anong pagkausap ba ang ginawa ni Gavin sa kanyang ina para mauwi sa ganoong sitwasyon si Elena.
Bago kasi ito umalis ay nasabi pa nito sa kanya ang tungkol sa planong pagkausap ni Gavin kay Elena para lang mapapayag nila ito sa kasal kung balak mang magpatuloy ni Alana sa unang plano niya.
Pagkakita pa lang ni Alana sa pagbabago ng kanyang ina ay parang gusto na niyang humindi bigla sa proposal ni Gavin sa kanya. Pero bigla din naman siyang tatamaang ng konsensya bago pa man niya masabi sa tiyuhin ang pag hindi niya.
It was because she knew just how Gavin was also putting in an effort for her to help her take justice, despite the fact that the reason she had told the other seemed childish and immature.
Ipinapakita lang nito kung gaano siya kaimportante sa buhay ng tiyuhin na kahit pa nga kung ikukumpara sila ni Kaede bilang pamangkin, mas may karapatan si Kaede kaysa sa kanya dahil siya ang tunay na pamangkin sa dugo hindi katulad niyang pamangkin lang sa papel ni Gavin.
Kaya naman ganoon na lang talaga naguguluhan si Alana sa kung paano siya magdedesisyon. She didn’t want to make this hard for her mother, but she didn’t want to disregard her uncle’s kindness.
Wala sa sariling napatingin na lang tuloy si Alana sa kanyang ama na tapos na ring linisin ang mga nabasag na pinatapos na nito sa katulong na dumating.
Laking gulat ni Guilberto nang mapatingin sa kanya ang anak na umiiyak na rin. Not only that, because the way the other was looking at him was the same look everytime the young Alana would look for answer from him.
Sa huli ay tanging malakas na buntonghininga na lamang ang nagawa ni Guilberto bago lumapit sa mag-ina at niyakap ang mga ito.
“Why are you crying as well? Dalawa na tuloy kayong kailangan kong patahanin,” pabirong ani Guilberto at tig-isang kamay na tinulungang punasan ang mga luha ng mag-ina.
“I’m not crying,” mabilis na kaila ni Alana.
“Hmm…are you sure you’re not?” tanong ni Guilberto at ipinakita kay Alana ang kamay niyang ipinunas sa pisngi nito.
Napatingin naman si Alana sa nakalahad na kamay ng ama at anong gulat niya nang makitang basa iyon. Napakalas na rin tuloy siya sa pagkakayakap kay Elena at gamit ang sariling kamay ay napapahid na rin siya sa pisngi.
And there she also felt her damp cheeks, which were undoubtedly wet from her tears. “I was really crying…” pabulong at hindi makapaniwalang anas niya pa.
Nahabag si Guilberto dahil sa reaksyon ng anak. Alam niyang sa kanilang lahat, si Alana ang pinakanahihirapan at apektado dahil napapagitnaan ito ng lahat. Ang kanyang ina na tutol sa kagustuhan niyang maikasal at ang tiyuhin na gusto niyang pakasalanan.
And yes, Guilberto was still not aware about the fact that Alana really doesn’t have any intimate feelings towards his younger brother more than their uncle and niece relationship. Maliban sa hindi alam ni Alana kung paano niya aaminin sa mga magulang ang tungkol sa pagsisinungaling niya ay hindi rin naman sinabi o nilinaw ni Gavin sa mga ito ang tungkol doon.
Kaya naman sa mga oras na iyon ay ang alam lang nila ay may nararamdaman talaga si Alana kay Gavin na higit pa sa relasyon nila bilang mag-tito.
“My baby, I’m sorry…”
Gulat na parehong napatingin si Alana at Guilberto kay Elena na bigla na lang umiyak habang mahigpit na nakayakap kay Alana. Nagkatinginan pa muna ang mag-ama bago niyakap pabalik ni Alana ang ina.
“I’m sorry for making this hard for you, Eybi. I was supposed to support you always and with every decision you had but I ended up opposing you on this only wish that you had. I was so hard-headed that I can’t see how you became torn between me and your own feelings. I’m really sorry, my princess…”
Tahimik lang na nakikinig si Alana sa mga sinasabi ng kanyang ina habang si Guilberto naman ay nagpasyang bigyan ng space ang mag-ina nang sa gano’n ay makapag-usap silang dalawa ng maayos.
“Hindi agad nakita ni mama kung gaanong mas mahirap sa ’yo ang magdesisyon nang ganoon. I was blinded by the fact that you two are part of a family and related that I forgot how you aren’t related by blood. Hindi ko naman kasi kailan man inisip ang tungkol doon and I always treat you and see you as my real daughter. Kaya ganoon na lang ang pagtutol ko.”
Kumalas si Elena sa yakap at marahang hinawakan sa magkabilang pisngi ang anak. Ang mga hinlalaki niya ay masuyong pinunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mata ni Alana. In the end, Elena chuckled as she kissed Alana on the forehead.
“Look at you, crying like a baby you are. Stop crying now, okay? Hindi na kokontra si Mommy if you really want to marry your Uncle Gavin. As long as you are happy and that he’s making you happy as well, then I will no longer object to your marriage.”
Gulat at hindi makapaniwalang napatingin si Alana sa kanyang ina. Parang bigla ay nabingi siya o kaya naman ay nabob* siya at hindi niya kaagad naunawaan ang ibig sabihin ni Elena kahit pa nga napakalinaw na nang pagkakasabi nito sa kanya.
And as she was very easy to read, even her mother could see how shocked she was with how her eyes widened and her mouth agape.
Natatawang piningot ni Elena ang ilong ng anak. “Silly, look at how big your eyes and mouth have become. Talaga bang gulat na gulat ka sa pagpayag ko? Bawiin ko kaya, ano?” may pagbabantang sabi niya na mabilis inilingan ni Alana.
“N-no, Mommy. Please don’t. Nagulat lang talaga ako sa biglang pagpayag mo. And I was really happy and relieved so I was at a loss on how I should react after…” nakayukong ani Alana.
Talagang natameme si Alana at hindi alam kung paano magre-react matapos ng mga sinabi ni Elena sa kanya.
Doon lang din kasi naalala ni Alana na hindi pa nga pala niya nalilinaw sa mga magulang ang tungkol sa katotohanan na hindi naman niya talaga mahal si Gavin katulad ng unang sabi niya.
She wanted to clear that first but after her mother finally agreed on the marriage after seeing and thinking that she’s confused and torn between her mother and her love for Gavin. Pero paano na niya magagawang linawin iyon sa ina ngayong napapayag na niya ito?
If she would tell them now about her lies, baka hindi lang basta tampuhan ang mangyari kung ‘di tuluyan nang magalit sa kanya ang kanyang ina pati na ang kanyang ama sa pagsisinungaling niya.
Isipin pa lang niya ay napapailing na agad siya. Mas gugustuhin pa niyang manatili ang akala nilang nararamdaman niya para sa tiyuhin kaysa ang malaman nila ang totoo.
“I know this was already late but, as your mother, I will support you with your decision and that also applies to your marriage with your un–with Gavin. Mahirap man sa side ko, but I will do it for the happiness of my only daughter. So tell us if ever Gavin made you cry or sad, okay, Eybi?”
Wala sa sariling napangiti at napatango si Alana sa kanyang ina. “I will, Mom. Thank you, and I love you!”
Agad na niyakap ni Alana ang kanyang ina para itago ang pansamantalang pagkubli ng kanyang konsensya sa kanyang mga mata. Konsensya nga dahil nagsinungaling siya sa mga ito.
But this result was better than none. Maaaring childish nga at immature ang plano niyang ito pero heto nga at nangyari pa rin ang lahat ayon sa planong ito. As for the next step, she can proceed with it at ease.
Mukhang sa huli ay ang ma-engaged at ang maikasal pa rin kay Gavin ang kahahantungan niya. And maybe, as part of her plan, might as well go with the flow na lang ang susunod niyang hakbang.