HINDI ALAM ni Alana kung sadyang mabilis ba talaga ang paglipas ng panahon o sadyang masyado lang siyang busy sa nakalipas na araw kaya hindi na niya napansin kung anong araw na ba ngayon.
Kahit kasi araw ng Linggo na dapat sana ay araw ng pahinga ay kinailangan ni Alana ang dumiretso sa school matapos niyang manggaling sa church. Pagdating niya sa school ay nagsimula agad siya sa mga gawain niya. At dahil nga siya lang ang pumunta noon sa school maliban sa secretary at historian na umuwi din naman kaagad ay sa kanya naiwan ang natitirang gawain.
Alas sais na tuloy siya nang gabi nakauwi. Ang mas nakakainis pa ay parang ayaw makisama sa kanya ni tadhana dahil nasaktuhan pang naabutan siya ng traffic sa daan. Nagkaroon kasi ng malaking bunguan sa main road na dinadaanan ni Alana kaya ang dating thirty minutes lang sanang byahe ay inabot ng isang oras.
All in all, Alana was so busy the entire day. So busy that when she came back home, she’s just so tired she couldn’t care to eat and went directly to her room.
Mabuti na lang at mukhang wala din sa mga oras na iyon ang mga magulang para tanungin siya kaya naman tuloy-tuloy lang si Alana sa pag-akyat sa kanyang kwarto.
“Ugh, so tired. Parang hindi naman ako ganito kapagod noon.”
Sa pagkakaalala kasi ni Alana ay nangyari na din naman ang ganitong araw noon at halos siya din ang kumilos noon pero hindi naman siya ganito kapagod.
Pero dahil sa sobrang pagod at medyo may katagalan na rin simula nang nangyari iyon ay hindi naalala ni Alana na kumpara ngayon, mayroon siyang ‘Kaede’ na kasama at katulong.
Kung ngayon ay inako niya ang lahat ng gawain dahil sa gusto niyang walang ‘Kaede’ na mang-iistorbo sa kanya, noon naman ay inako niya ang lahat ng gawain para magkaroon sila ni Kaede ng time para sa isa’t isa.
So it was no doubt how she became more tired today compared to the past. But Alana couldn’t deny that compared to before, she was more genuinely happy doing everything.
Hindi sa sinasabi niyang hindi siya nag-enjoy at that time, what she mean is that the happiness of doing those things and finishing it all was more genuine dahil sa mas genuine na rason. At iyon ay dahil sa talagang natutuwa siya sa sarili dahil sa nagawa niyang tapusin ang lahat, hindi tulad noon na mas naging masaya siya dahil sa kasama niya si Kaede.
Alana didn’t want to compare those different moments but she couldn’t help herself. Kung hindi lang siguro dahil sa sobrang pagod ay baka hindi na makatulog si Alana sa sobrang pag-iisip, which she badly needed.
Pagkapasok ni Alana sa kanyang kwarto ay ibinalibag niya lang ang dalang bag sa may floor mat na sahig ng kanyang kwarto.
Pikit na ang mga matang hinubad niya lang ang blazer ng kanyang uniporme tsaka pagapang na umakyat sa kama. The moment her body felt the softness of the bed, all her tiredness turned to drowsiness. Padapa siyang nahiga sa kama at nagpadala sa antok na nararamdaman.
Ganoon na lamang siguro ang pagod niya na hindi niya napansin ang bulto ng katawan na nakahiga rin sa kanyang kama isang dipa ang layo sa dinapaan niya.
Pagbukas pa lang nang pinto ay mabilis na nagmulat ng mga mata si Gavin na mababaw lang ang pagkakatulog.
He watched Alana enter the room tiredly and waited for the girl to notice his existence but to his dismay and amusement, Alana completely ignored him and directly slumped her tired body on the bed. Until he heard the mellow breathing sound of Alana, Gavin did not dare to move.
Tsaka lang mahinang natawa si Gavin nang hindi na talaga kumilos si Alana na tuluyan na ngang nakatulog.
Hindi in-expect ni Gavin ang matunghayan ang ganoong akto ni Alana pagkagising niya mula sa mababaw na pagkakatulog.
Kahit naman kasi pagod na pagod siya dahil nga sa buong araw siyang gising ay hindi pa rin niya magawang makatulog. It was even a miracle for him to take a nap in another person’s room.
Sa halos isang linggong lumipas mula nang umalis siya sa mansyon at magpaalam kay Alana ay wala ding matinong tulog si Gavin. Marahil dahil na rin sa hindi din naman siya napirmi sa isang lugar dahil nga kailangan niya ring umalis ng bansa sa ilang business matters na kailangan niyang asikasuhin.
Hindi man niya aminin iyon sa sarili pero sa dami ng kailangan niyang asikasuhin sa buwan na ito ay ginawa niyang pagkasyahin sa isang linggo ang dapat sanang pang isang buwan niyang schedule.
So being sleep deprived had become normal to him. Na mukhang na-adopt na ng katawan niya to the point na normal na lang sa kanya ang walang tulog ng isang buong araw.
And watching the other look something similar to him is kind of amusing. Knowing Alana like the back of his hand, Gavin knows just how Alana loves sleeping that she could sleep anywhere she finds comfortable.
Napaisip tuloy si Gavin kung ano kaya ang dahilan kung bakit ganoon na lamang kapagod si Alana nang umuwi. However he wanted to know the answer, Gavin could not get it at the moment.
Walang pagdadalawang-isip na tinabihan ni Gavin si Alana sa pagtulog imbes na gisingin ito. At talagang inayos pa niya ang pagkakahiga ni Alana at pinaunan ito sa kanyang braso samantalang ang isang kamay ay nakayakap sa baywang ng dalaga dahilan para magkadikit ang katawan nila.
Now that they were closer—with only a few inches apart, Gavin could look closely at Alana’s sleeping face.
Kitang-kita niya ang mahahaba at paarkong pilik-mata nito na masuyong humahaplos sa nakasarang mata. Kahit nakapikit ay bakas pa rin ang kaamuhan sa mukha ni Alana lalo na at mahimbing itong natutulog.
Maging ang nakanguso at medyo nakabukang bibig nito kung saan maririnig ang malumanay na paghinga ay dumagdag lang sa mala natutulog na anghel nitong postura na talaga namang hinding-hindi pagsasawaan ni Gavin nang tingin.
He could swear that he might as well stare at her sleeping face until he fell asleep—in which he actually did.
Hindi na namalayan ni Gavin kung kailan at paano pero hindi kalaunan sa kanyang pagtitig ay nakatulog na nga siya—and it was a very sweet and deep sleep for the first time in his whole life—na parang nahawa na lang din siya sa masarap na pagkakatulog ni Alana.
NAALIMPUNGATAN si Alana nang maramdaman ang mabigat na pagkakadagan sa kanyang baywang. Ganoon na din ang medyo mainit na pakiramdam na maya-maya ay humahaplos sa kanyang pisngi na minsan ay dumi-diretso sa kanyang tainga dahilan para bahagya siyang mapakislot makawala lang sa dalang kiliti noon sa pakiramdam.
“Hmm…baby, be good…” she softly muttered while she used her palm to gently swat away the ticklish thing.
Thinking that the baby which was trying to wake her up was her dog, she even patted ‘it’ like she was telling it to be good and let her sleep more. At doon muling bumalik si Alana sa pagkakatulog na may maliit pang ngiti sa kanyang labi.
Ilang sandali din ang katahimikang lumipas nang ang akala ni Alana ay nag-behave na ang alaga pero akala lang niya pala. This time, hindi na lang ito basta tumabi sa kanya. Dahil halos ma-suffocate na siya dahil sa pagkakadagan nito sa kanya.
Muli sanang itutulak ni Alana palayo ang makulit na alaga nang unti-unting naging klaro ang pag-iisip niya.
Una sa lahat, sa pagkakaalala niya, ang baby niya ay isang miniature poodle na kasing haba lang ng isang ruler at kasing bigat lang ng dalawang 1.5 na litro ng softdrinks kaya imposibleng magawa nitong ma-suffocate si Alana.
Higit sa lahat, dahil nga sa pagbabalik ni Alana sa nakaraan dahilan para magbago ang kanyang kasalukyan, sa panahong ito ay hindi pa niya natatanggap ang asong tinuring na niyang parang anak.
So what could be big and long enough to reach both of her toes and knees as well as hug her waist to suffocation?
Kaya naman kahit na inaantok pa ay napamulat si Alana ng kanyang mga mata para tingnan ang dahilan nang kakulangan niya sa hangin.
What welcomed her was a very handsome face—a white and flawless skin without any open pores and blemishes, long eyelashes fanning the closed eyes. Maging ang matangos nitong ilong ay bumagay sa mapupulang labi.
Kung hindi lang dahil sa medyo nakakunot nitong noo at papasalubong na mga kilay, pati na ang naka-linyang mga labi na animo ay mayroon itong masamang panaginip ay masasabi na ni Alana na perpekto ang lalaki.
Marahil dahil sa bagong gising ay hindi kaagad rumihistro sa utak ni Alana kung kanino ang napaka-gwapong mukha na bumungad sa kanya pagkagising niya. Maliban sa kaunting gulat dahil sa isang tao pala ang dahilan kung bakit naalimpungatan siya ay na-mesmerize naman siya sa hindi maitatangging magandang mukhang halos isang pulgada ang layo sa kanya.
“What a way to start your day, waking up with a handsome face,” wala sa sariling naibulong ni Alana.
It took her a minute to register what she had said and what was happening. She didn’t notice the slight quivering of those long lashes as well as the slight curve that appeared in the sleeping man’s face.
“Ah! Uncle Gavin?” she exclaimed in shock as she quickly sat from the bed.
Hindi maunawaan ni Alana kung paano na lang napadpad ang tiyuhin sa kanyang kwarto. Sa takot na baka siya pala ang naligaw kagabi ay mabilis na inilibot ni Alana ang mga mata sa paligid at doon niya nasigurong kwarto niya nga naman talaga ang napasukan.
So just how did he end up sleeping in her room? And when did the other came back? Hindi ba’t nasa ibang bansa pa ito—
“Sheesh!” Doon lang din naalala ni Alana kung anong araw na ba ngayon.
It was not because today is Monday and she might be late in school since her classes will start later in the afternoon. It was because it was also the day that her dearest uncle had given her a deadline about her decision about marrying him.
“But I have not yet decided!”