I'm Decided

2058 Words
“SO, HAVE you decided, Mi Cara?” Kasalukuyan silang nakaupo sa magkabilang side ng kama ni Alana. Dahil nga sa mga pinaggagawa ni Alana pagkagising niya ay nagising tuloy ang natutulog pang si Gavin. At dahil sa medyo nahiya pa siya sa ginawa ay nagmamadaling nagtungo si Alana sa kanyang banyo para mabilis na maghilamos. Hindi naman siya ganoon natagalan sa loob ng banyo pero nang paglabas niya ay nakita niyang nakapaghilamos na rin at nakapagbihis si Gavin na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. At heto na nga at naitanong na ni Gavin sa kanya ang tanong na mukhang kahapon pa nito gustong itanong sa kanya. This left her no reason to hide or ignore it anymore but to face it. Not because she was afraid of it or what, that she tried to hide from the question itself. Sa totoo lang ay sa nakalipas na mga araw ay walang ibang laman ang isipan ni Alana kung ‘di ang tungkol sa mga pros and cons na maaari niyang ma-encounter sa oras na makapagdesisyon siya. Whether it was to agree and accept the engagement or not, all of the possible outcomes from that, whether they were negative or positive, were already well thought out by Alana. Natuto na si Alana mula sa una niyang pagkakamali noong kaarawan niya. Dahil nga sa padalos-dalos niyang pagdesisyon ay talaga namang naapektuhan ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Now to prevent everything from repeating the same mistakes, Alana wanted to think about it deeper before she made a decision. And honestly speaking, from all the thoughts she had pondered for the past days, all the advantages leaned more if she accepted the marriage. Lalo na nga ngayon at nagsisimula nang tanggapin ng kanyang ina ang kasinungalingan niya tungkol sa pagkakagusto niya sa kanyang tiyuhin. Dahil nga sa oras na hindi niya tanggapin ang engagement niya kay Gavin ay walang duda na iisipin ng mga ito na hindi naman talaga niya gusto ang tiyuhin at nagsinungaling lamang siya sa mga ito. Alana just knew how her parents would completely be disappointed in her once they learned the truth. At hindi iyon matatanggap ni Alana. Kung noon pa nga lang na tanggihan siya ng kanyang ina ay grabe na ang pagsisisi niya, mas lalo pa kung pati ang kanyang ama ay ma-disappoint sa kanya. Noon pa man ay kahinaan na talaga ni Alana ang mga magulang. Anyone can do every bad thing on Earth that there is towards Alana but not with her parents. Hindi talaga sasantuhin ni Alana ang sinumang kumana sa mga magulang niya. Bigla na namang pumasok sa isip ni Alana ang nangyari sa mga magulang na kagagawan ng dalawang kontrabida sa buhay niya. Just treat that as an example. Dahil sa pagdamay ng dalawa sa mga magulang niya, talaga namang mantindi ang galit na naramdaman ni Alana. To the point that it caused her a second chance to correct her wrong choices and decisions in that life of hers. And of course, to probably exact a little revenge towards those two insufferable villains. Because Alana was getting too deep with her train of thoughts, the person she was with could no longer take her silence so he tried to repeat his question. “What are you hesitating for?” That question was enough to pull Alana back from her thoughts. Understanding his question, Alana shook her head in answer. “Hindi sa gano’n, Uncle—” “Gavin will do. Dapat masanay ka nang tawagin ako sa pangalan ko.” Then the look on Gavin changed as he added. “Or maybe you are undecided and were thinking of denying my proposal, that's why you are still calling me uncle.” Hindi malaman ni Alana kung saan siya magpo-focus, kung sa sinabi ba ng tiyuhin niya o kung sa ano ang ibig sabihin ng pagbabago sa pinta ng mukha ni Gavin. Pero kahit alin man sa dalawa ay parehong hindi naman makuha ni Alana kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon. Mabuti na lang at hindi katulad kanina kung saan nanatili siyang tahimik, ngayon ay kahit papaano’y wala siya sa sariling napailing dahil sa hindi niya alam kung paano sasagot. “Then what are you hesitating for?” muling tanong ni Gavin. With that, Alana once again realized something. Sa pangalawang pagkakataon ay mukhang nagawa na namang basahin ni Gavin kung ano man ang iniisip niya. Pero hindi na iyon pinagtuunan ni Alana ng pansin at mas pinansin ang sinabi nito sa kanya. Just like what he said, Alana really was still hesitating. Despite everything already loud and clear in front of her, she was still hesitating. And what was more confusing is that she doesn’t know what she was hesitating for. Ano nga ba ang pinagdadalawang-isip niya kung malinaw naman na ang lahat sa kanya. Hindi lang basta magiging maayos ang lahat sa oras na tanggapin niya ang alok sa kanya ng tiyuhin. Magiging secure pa ang future niya at ng mga magulang sa oras na lumantad na ang lahat ng katotohanan lalo na ang paglabas ng kambal niya mula sa pinagtataguan nito. According to what she already knew in the future, Gavin who would be well-known as the long lost brother of Kaede’s father will become the strongest thigh that she could hug for her future fight with Kaede and her twin. Maliban doon, katulad ng sinabi niya kanina ay pumayag na rin naman ang kanyang ina na siyang dahilan nga ng pagdadalawang-isip niya noong una. So really, what was she hesitating for? Having an epiphany, Alana was now more sure and finally decided. With a firm face, Alana looked at Gavin who had been watching her from the start. “I have decided now, I will accept your proposal, Uncl—no. I will marry you, Gavin.” Her answer quickly put an obvious smile on Gavin’s lips making the handsome man become more dashing. It caught her off guard. “That’s good. As for the other matters, let’s talk about it once you come back after your classes. For now, let’s go and have breakfast and tell your parents about your decision.” Alana exclaimed loudly. Sa sobrang gulat niya at bigla sa mga nangyari ay nakalimutan niyang Lunes na nga pala ngayon at hindi weekend. Ibig sabihin ay may pasok siya! Mabuti na lang talaga at hindi maaga ang simula ng klase niya dahil kung hindi ay baka late na siyang makakapasok. At dahil maaga din siyang nagising ay sakto lang na makakasama pa siya sa almusal bago siya magsimulang mag-ayos sa kanyang pagpasok. “Good morning, Mom, Dad,” bati ni Alana sa mga magulang na nakaupo na sa kanilang mga pwesto sa dining table. “Good morning,” rinig na bati din ni Gavin na nakasunod kay Alana. Sinubukang ignorahin ni Alana ang kakaibang tingin ng kanyang ina sa kanya at kay Gavin. After kissing her parents on their cheeks, she quickly took a seat on her usual chair. “Good morning, baby. Good morning, Gavin. Let’s start breakfast, shall we?” At nagsimula na nga silang mag-almusal matapos umupo ni Gavin sa tabi ni Alana. Gustuhin man ni Alana na umakto katulad sa madalas niyang kilos noon ay hindi niya magawa dahil nga sa patingin-tingin sa kanya ng kanyang ina. She wanted to ignore it but then she realized what was probably going on with her mother’s thoughts so Alana had no choice but to continue acting in front of her parents. Imbes na ilagay niya sa sariling plato ang sinandok na ulam ay labag sa loob na inilagay niya iyon sa plato ni Gavin na tanging kanin pa lang ang laman. Mukhang hindi pa ito sigurado kung anong ulam ang unang titikman. Unlike Alana who was obviously famished especially from having to smell the delicious scent of the food which was all her favorites. Hindi lang ang kanyang ina ang nagulat sa ginawang iyon ni Alana kung ‘di si Gavin ay gulat na napatingin sa kanya. Dahil doon ay nagtama ang mga mata nilang dalawa. And seeing the surprised look on him which was actually kind of cute made Alana forget her grievances and flashes a smile towards Gavin. Her big eyes almost turned into half crescents giving a different shine and glimmer on her eyes. “Eat more of this. You know these are my favorites, Gavin, right?” A little tug upwards on Gavin’s lips as he nodded. “Yeah.” “Hmm. Baka na-miss mo rin ang lasa kaya kapag gusto mo pa, just tell me.” “I will. So eat as well.” “Hmm!” With that, Alana can finally eat her fill. Hindi na niya kasi naramdaman pa ang tingin sa kanya ng kanyang ina na talaga namang nagbigay sa kanya ng ginhawa dahilan para magana siyang nakakain ng mga paborito niya. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang maisipan ng ama ni Alana ang magtanong. “Nga pala, ano na ang desisyon ninyong dalawa, Eybi at Gavin?” Napaangat ng tingin si Elena sa asawa na nagpatuloy sa pagsasalita. “Sabihin niyo lang kung ano ang napagdesisyunan niyo para makapagsimula kaagad tayong magplano.” Nang makuha ni Alana kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ama ay napatingin kaagad siya kay Gavin na patuloy pa rin sa ginagawang pagkain. “You already know that I can’t refuse Mi Cara’s proposal so we decided to be engaged first. Masyado pang maaga para maikasal but being her fiance might give Mi Cara an offset that I won’t run away.” Nanlalaking napatingin si Alana kay Gavin sa sinabi nito. Laking pasasalamat na lang niya na wala pa siyang nilalagay sa bibig niya dahil baka naibuga niya iyon ng wala sa oras. Elena cleared her throat first before she inserted herself in the conversation. “I agree with that. Alana Brielle is still too young to enter the serious relationship of marriage so let’s have an engagement first. ‘Yan na rin ang ia-announce natin sa media to calm them down.” Katulad kasi sa naging reaksyon ng mga magulang ni Alana nang marinig ang kahilingan niyang maikasal sa kanyang tiyuhin ay naging hati din ang media. Half were very accepting of the possible marriage while another half was repulsed by it. Hindi man halata sa very humble na pamilya ni Alana pero dahil sa yaman nila ay maraming nakamata sa bawat kilos nila. So what happened on her eighteenth birthday was enough to shock those people making them become a talk in different social medias. “Then is it okay with you, Gavin, to have a press con first or let’s have the engagement banquet to clarify?” tanong ni Dominique sa nakababatang kapatid. Before answering, Gavin looked at Alana who was still looking at him. “How about you, Mi Cara?” Throwing the question back to her, Alana became speechless as she herself didn't know what to answer. Alana is not a public person to begin with. If she would answer then she would probably tell them how she didn’t care about what the public says. Sabihin na nila ang lahat ng sasabihin nila, walang pake si Alana sa mga iyon. Buhay nila ito kaya naman bakit kailangan nilang makisali? But she also knew she couldn’t answer that. Hindi niya maitatanggi na kilalang public figure ang mga magulang niya pati na ang tiyuhin niya kaya mahalaga sa kanila ang tungkol dito. So she could only throw back the question to Gavin for him to answer. Mabuti na lang at nakuha naman ni Gavin ang ibig niyang sabihin sa pagtitig niya lang dito. Gavin chuckled at that. “Sorry, I forgot about your perception about the public. Then let’s just use the engagement banquet as our answer. As for the press, let’s just ignore it.” “Okay, so we will do that.” “I will take care of the engagement planning,” mabilis na saad ni Elena na animo’y may kaagaw. Natawa tuloy si Dominique sa asawa. “Yes, yes. Ikaw na ang bahala.” And that closes their discussion. Kaunting finalization pa at natapos na rin ang mahabang almusal na iyon. Before Alana went back to her room to take a bath and change, Gavin reminded her that he would drive her to school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD