Extent of Everything

1672 Words
IT HAS been evening and yet Alana still hasn’t talked with her mother since their last dispute in the morning. Gustuhin man niyang kausapin ang kanyang ina ay mismong ang kanyang ama na ang pumipigil sa kanya. Ayon dito ay bigyan niya muna ng chance si Elena na makapag-isip at iproseso ang mga sinabi niya nang sa gayon ay makapagpasya ito ng maigi. Hindi gusto ni Alana ang pakiramdam na para silang may tampuhan ng kanyang ina. Sa buong buhay niya mula pa man sa unang buhay niya ay hindi sila nagkaroon ng ganitong uri ng tampuhang mag-ina. She was used to being pampered and spoiled by her parents. Hindi man ipahalata ng kanyang ina ay unang-una na si Elena sa pang-i-spoil kay Alana. May ibang paraan nga lang ito sa pagpapakita noon. So it was really a shock and a first that Elena strongly opposed Alana. Sa totoo lang ay mas inaasahan pa niya ang kanyang ama ang mas tumutol sa kagustuhan niyang maikasal sa kanyang tiyuhin dahil nga sa pagiging magkapatid nito sa papel. But after their talk in the morning, Alana finally saw how Elena could get mad. Not totally mad but at least Alana could feel the strong opposition with a hint of disbelief and dismay toward her mother. At iyon ang hindi maatim ni Alana. Dahil pakiramdam niya ay bumalik siya noong panahong lugmok na lugmok na ang pamilya niya dahil sa kagagawan niya. Seeing that expression at this moment made her feel that she was being blamed, finally. Totoong hiniling iyon ni Alana noon bago siya mamatay to at least lessen the guilt and pain of implicating her family in her suffering but the thought that she was really getting makes her feel uncomfortable. Kaya naman kahit pa nga sinabihan na siya ng kanyang ama na ipagpabukas na ang pakikipag-usap sa kanyang ina ay nagmatigas pa rin si Alana. Hindi rin naman siya makakatulog kung hindi niya nasisiguradong okay na sila ng kanyang ina. And so Alana decided to go to her mother and father’s room to have a private talk with her mother. Hindi niya alam kung nasaan ngayon ang kanyang tiyuhin pero alam niyang nasa office ito ng kanyang ama kasama nito kaya alam niyang mag-isa ngayon ang kanyang ina sa kwarto. Wala pa man sa harap ng pinto si Alana ay naririnig na niya ang pag-uusap sa loob ng kwarto dahil sa naiwang bahagyang nakabukas ang pinto. Tuluyang lumapit si Alana sa pinto at imbes na pumasok ay nagpasya siyang pakinggan muna ang pag-uusap ng kanyang mga magulang. “I just can’t, Gill! I can’t believe that you agreed to this marriage!” Mariing napapikit si Alana nang marinig ang pagtataas ng boses ng kanyang ina. Hindi pa rin talaga siya sanay na ang palaging kalmado kung magsalitang si Elena ay nagawang pagtaasan ng boses hindi lang siya kung ‘di maging ang kanyang ama. Alana knows that what she’s doing is wrong—eavesdropping on her parents. Pero gusto niyang malaman ang sukat ng pagtutol ni Elena sa kagustuhan niyang maikasal sa kanyang tiyuhin. Maybe if she learned the extent of her opposition, she could once again create a plan on how she could ensure the safety of her family. Nakakapanghinayang nga lang dahil nasisiguro ni Alana na wala nang mas magandang sandigan pa maliban sa kanyang tiyuhin. Nga lang ay hindi na dapat siya kumilos pa katulad nang dati kung saan tanging sarili lang niya ang iniisip. Now that she wants to secure the safety of her family more than anything, she should also consider them when making a decision. Para saan pa ang pagkakaroon niya ng pangalawang pagkakataon kung muli na naman niyang masasaktan ang mga magulang sa mga gagawin niyang desisyon. “But Elena, looking at it the other way, hindi ba’t mas magandang maikasal si Eybi kay Gavin? Honestly speaking, mas makakampante ako kung si Gavin ang mapapangasawa ng anak natin. At least we know that he’s not a bad person. He would take better care of Eybi more than anyone. Alam mo ‘yun, Elena.” “I know but I can’t accept it! T-this marriage is not normal, wherever you may look at it! He’s your daughter’s uncle! Your brother, Gill! How can you let your own little brother marry your daughter!” “We know more than anyone that Gavin is not my brother by blood. At kahit na kapatid ko talaga siyang tunay, just like what your daughter said, nothing is wrong with marrying her uncle, dahil hindi naman sila magkadugo.” “Kahit na, Guilberto! Sa mata ko at sa mata ng Diyos, they are still related by papers! Just how can you... how can I accept that?” “It was all just papers, Elena. For God’s sake, naman! Para din ‘yan sa kasiyahan ng anak mo, hindi mo ba maibigay? Nangako tayo ‘di ba? We already knew that there would be something like this that would happen. Iba nga lang sa inaasahan natin pero we promised your daughter. We made a promise that whatever it is, we will support her and give it to her. Kung kasal ang gusto niya, why not let her marry? Naiba lang naman ng lalaki eh. What’s the difference?” “What’s the difference? Are you kidding me now, Gill? Malaki ang kaibahan noon!” “What? Just because Gavin is much older? Pero hindi ba’t mas maganda iyon? He’s mature enough to take care of our daughter.” “Oh please, Guilberto! You know that it wasn’t my point!” “And please also think of my point here! All I want for my princess is the best. And since she also wants the best man for her, then I won’t hesitate to give it to her. Hindi ko sinasabing masama para sa anak natin ang anak ng kaibigan mo pero sana ay maunawaan mo rin na gusto ko lang ma-ensure ang future ng anak natin. And I can see that when my princess marries Gavin. I can swear my life on it, Elena.” “But…” Katahimikan. Ilang segundong katahimikan bago muling marinig ni Alana ang malakas na pagbuntonghininga ng kanyang ama. Looking at the small opening, Alana could see how her father hugged her mother. “I’m sorry for raising my voice, my queen. Don’t cry, please…” Nang malamang umiiyak na ang kanyang ina ay hindi na napigilan ni Alana ang maluha. She not only made her mother disappointed but she even made her cry. How st*pid she is to think of that plan! Maybe she really did make a great mistake by wanting to use her good uncle. Hindi lang niya basta ginamit ang kanyang tiyuhin, but she also acted desparate and inconsiderate of them. Bakit nga ba kinailangan niya pang idamay ang tiyuhin kung pwede naman siyang magpakatotoo at amining wala siyang pagtingin para kay Kaede? She could just make a different wish and if asked about having an engagement with Kaede, she could just decline it. Simple as that. Bakit nagpakadesperada siyang gamitin ang Uncle Gavin niya? Mas lalo lang niyang pinagulo ang lahat dahil sa ganoong desisyon niya. Mukhang hindi nga talaga magandang gumawa ng isang desisyon habang nasa kainitan ng kanyang emosyon. Hindi na dapat siya naghangad pang makapaghiganti at inisip na lang na panaginip ang mga alaala niya sa nakaraan na magsisilbi sa kanyang babala. Why did she want revenge? Pwede din naman niyang gawin iyon nang hindi na mandadamay pa ng ibang tao. Having a memory of the past is already enough revenge. She can make use of that to prevent anything bad from happening. Pangpagulo lang naman ang paghihiganti. Noon pa man ay hindi na siya fan ng paghihiganti kaya bakit niya naisipang maghiganti? When did she become like that? What’s the trigger for that? Even when she’s in the middle of fighting death, wanting to take revenge does not come into her mind. Tanging panghihinayang lang ang naramdaman niya na hindi man lang niya nagawang makahingi ng tawad sa mga magulang dahil sa pagkakadamay ng mga ito. So what triggered her to think of revenge? Did she become greedy just because she was favored for this second chance in life? Hindi ba’t sa ginawa niya ay parang wala na rin siyang pinagkaibahan sa mga taong sumira sa kanya sa nakaraan? “I’m sorry…” she whispered. Aside from saying sorry, Alana wanted to thank God again for making her realize her fault immediately. Before it became too late. Hindi na niya itutuloy pa ang balak niyang magpakasal. Hindi na niya itutuloy ang paggamit niya sa kanyang Uncle Gavin para hindi na rin niya mapahirapan pa ang kanyang mga magulang. She would think of another way to secure the safety of her family by relying on herself. Without using anyone. At gagawin niya iyon hindi dahil sa gusto niyang maghiganti kung ‘di dahil sa gusto niya lang baguhin ang pangit na kasasadlakan niya at ng mga magulang. Tama, iyon nga ang dapat niyang gawin. It may look hard but she knew she could do it! “Mi Cara.” Wala sa sariling napaangat ng tingin si Alana. Her beautiful face was painted with tears as she silently cried while standing behind the door like some soulless puppet. Gavin silently sighed as he walked towards the crying figure of his niece. Walang pag-aalinlangan niya itong niyakap habang ang isang kamay ay tahimik na isinara ang pinto ng kwarto ng kapatid. “Don’t cry, Mi Cara. You know I don’t like seeing you cry.” It was the soothing, deep voice of her Uncle Gavin trying to hush her from crying. Mas lalo lang tuloy naiyak si Alana dahil doon. Just what was going on in her mind when she thought of using this good uncle of hers? Ang hindi niya alam ay sa kabila ng marahang pagtapik at ang nakakakalmang boses na nagpapatahan sa kanya ay ang madilim na at hindi mabasang ekspresyon ng kanyang Uncle Gavin ang nakatago sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD