JANELLA: NAPATUNGO akong pilit nilulunok ang kinakain ko para may lakas akong magtrabaho ngayon lalo na't wala akong maayos na tulog. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Noong nasa hacienda pa lang kami ay mas gusto kong naglalalayo kay Kieanne at ultimo kausapin o sulyapan ito ay 'di ko magawa. Pero ngayon ay para akong sinasaksak na binabalewala niya at mabibilang lang ang sagot nito sa akin na pasungit pa ang tono. Kagabi ay nagtaka akong umakyat siya ng second floor nitong unit. 'Yon pala ay sa guest room kami tutuloy ng mga bata. Nahiya naman akong ipagpilitan na sa master's bedroom niya kami tutuloy kaya nanahimik na lamang ako. Pero lumabas din siya at hatinggabi na ng umuwi na may. . . kasamang babae na kapwa nito lasing. Para akong binuhusan ng tubig na mapagbuksan

