KIEANNE: NAGPATULOY ako sa pagiging malamig kay Janella at halos hindi ko ito pagpahingain sa opisina. Hindi naman ito nagrereklamo at mukhang tinitiis at kinakaya lahat ng pahirap ko dito. Desidido talagang makawala sa akin. Nagpatuloy din sa pagpapanggap si Cassy na girlfriend ko. Panay ang pagpapaselos namin kay Janella sa office. Lalo na kapag nasa malapit ito ay sinasadya naming maglambingan ni Cassy. Minsa'y nahuhuli ko itong natitigilan at nag-iiwas tingin. Hanggang sa kalauna'y mukhang nasanay na itong naglalampungan kami ni Cassy kaharap ito at 'di ko mabakasan na nagseselos o apektado ito. Hindi kami nagsasabay sa isang sasakyan kapag pumapasok kami ng opisina oo kaya ay umuuwi. Hindi naman ito nagrereklamo sa bagay na iyon. Kapag nasa loob kami ng bahay ay kinakalampung

