JANELLA: Three years later in Ilocos: "Nanay! Nanay!" Napangiti ako sa matinis na boses ng batang makulit na pinupupog ng halik ang buong mukha ko. Inaantok pa ako dala ng puyat sa halos magdamag kong pagluluto ng mga kakanin at pag-bake ng mga cupcapes. Para sa shop ko na Triple K's sweetbites na siyang pinagkukunan ko ng pang-araw-araw naming mag-ina ng anak ko. Dalawang taong gulang pa lang pero saksakan ng energy at kulit. Tatlong taon na rin magmula nang maghiwalay kami ng tuluyan ni Kieanne. Umalis ito noon ng bansa dala ang kambal namin kaya bumalik na lamang ako ng probinsya kung saan kami dating nakatira. Sa Ilocos. "Nanay, bangon na aldaw na oh!" (Nanay, bangon na tanghali na oh!) Panay ang pagyugyog nito sa balikat ko na nakaupo sa tabi ko. "Hmm," kunwari'y ungol kong

