KIEANNE: HAWAK ko sa magkabilaang kamay ang kambal kong mapilit na lumabas na raw kami. Gustong-gusto talaga nilang namamasyal dahil nasanay sila sa Italy na nakakulong lang sa unit at paminsan-minsan lang nailalabas. Kaya naman ngayon ay parang sinusulit na nila bawat oras, bawat minuto na maglibot-libot. Natutuwa din akong makitang napakasaya nila habang hawak ang kamay kong halos hinihila na ako at excited sa mga nakikita sa paligid. "What's that, Daddy?" ani Kaeya. Nakatingala ito sa malaking golden buddha statue dito sa temple na pinagdalhan ko sa kanila dito sa Bangkok. Kung saan ang city ng Thailand. "Statue?" patanong sagot ni Kaeden. Yumuko naman akong kinarga sila sa kabilaang braso ko na napayakap agad ang maliit nilang braso sa batok ko na nakatingala pa rin sa buddha.

