KIEANNE: PANAY ang tungga ko sa black label na nadampot ko dito sa mini Bar ng mansion. Napapailing na lamang ako sa mga nangyayari. Akala ko aabot ako sa part na pipigilan ko ang engagement nila at magmakaawang muli kay Janella na piliin kami ng mga bata pero. . . para namang umaayon sa akin ang tadhana na biglang sumulpot ang mag-ina na siyang nanggulo at nagpatigil ng proposal ni Lawrence kay Janella. Naramdaman ko ang bumukas ng pinto pero hindi ko na nilingon ang pumasok at hinintay na lamang itong lumapit sa kinauupuan ko dito sa countertop. "How are you, son?" anito. Mapait akong napangiti at iling nang tapikin ni Daddy ang balikat ko at umupo sa katabi kong highchair. "Ang sakit-sakit na, Dad. Gusto ko siyang patawarin at buoin ang pamilya namin pero. . . pero bakit ang hira

