JANELLA: MAPAIT akong napangiti habang tanaw ang paliit nang paliit na pigura nito palayo sa akin. "I'm sorry, Kie," piping usal ko at nanghihinang napasalampak ng hallway. Napayuko akong niyakap ang sariling tuhod na parang talunang basang sisiw na walang masilungan. "Baby. . . let's talk, please?" Natigilan ako sa baritonong boses nito at napakuyom ng kamao. Nagpahid ako ng luha at tinabig ang kamay nito sa akmang pagtulong sa aking makatayo. "Janella, I can explain--" Natigilan ito nang malakas na mag-asawang sampal ang isinalubong kong ikinatagilid ng mukha nitong namula at bumakat ang palad ko! "Explain!? Ano pang ipapaliwanag mo, huh?! Malinaw pa sa sikat ng araw, Lawrence! Nambababae ka dito at ngayo'y nagbunga!" bulyaw kong ikinanigas at putla nito. Hindi na rin makating

