JANELLA: KABADO ako habang binabagtas namin ni Lawrence ang kahabaan ng highway. Patungo kami ngayon sa mansion nila para sa family dinner namin at pormal na pagpapakilala nito sa akin sa pamilya nito. Ito ang unang beses kong makakaharap ang mga magulang nito kaya 'di ko maiwasang kabahan kahit pa sinabi nitong mabait ang magulang nito. "You look pale. Relax, baby. I'm with you." Pilit akong ngumiti nang akayin na ako nito papasok sa magara nilang mansion. Panay ang buga ko ng hangin habang palapit kami nang palapit sa double door nilang pinto. Napahigpit ang kapit ko sa braso nito ng pagpasok pa lang namin ay nakahilera na sa magkabilaang hallway ang mga unipormadong katulong na bumabating nakayuko pa sa amin ni Lawrence. Diretso lang naman itong maglakad na parang haring hindi

