bc

Untamed Feelings

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
second chance
friends to lovers
neighbor
drama
bxg
brilliant
campus
highschool
office/work place
love at the first sight
actor
civilian
like
intro-logo
Blurb

Nagkahiwalay ngunit muling nagtagpo, iyan ang kuwento nila Wave Garcia Foster at Athena Pablo Ramirez. Mga pusong pinaglayo ng panahon at muling pinagbuklod sa hindi inaasahang pagkakataon.

Manumbalik pa kayang muli ang dati nilang pinagsamahan? O tuluyan nang ibaon sa lupa, at limutin ang nakaraan?

Ang buhay ay may hangganan, ngunit ang pag-ibig at mga ala-ala ay mananatili magpasawalang hanggan. Sa oras na hindi mo na maintindihan ang iyong nararamdaman... don't let your thoughts to devour your untamed feelings, let your heart to shout every words you trapped.

chap-preview
Free preview
Panimula
Malapit nang magpasukan kaya na sa academy kami ngayon ni mama para sana i-enroll ako, ngunit sabi ng dati kong teacher na si Mrs. Valdez ay hindi na nila ako pwedeng tanggapin pang muli. Gayunpaman, hindi na ako nagulat sa bagay na iyon, hanggang second quarter lang kasi ako pumasok pagkatapos ay huminto na ako. Lagi kasi akong ipinapahiya ni Mrs. Valdez sa klase namin, dahilan upang maging tampulan ako ng pambu-bully. Bagay na hindi alam ni mama dahil hindi naman ako nagsasabi sa kaniya, ayaw ko kasi na dumagdag pa ako sa mga problema niya. Hanggang isang araw, hindi na ako nakapagtimpi sa pambu-bully sa akin ng isa kong kaklase. Nasaksak ko siya ng lapis sa kaniyang kamay, mabuti na lang ay hindi matilos ang tasa ng lapis na gamit ko kaya hindi siya nasugatan. Sa kasamaang-palad, nagsumbong ang kaklase ko kay Mrs. Valdez, kaya ipinatawag si mama sa guidance office. Ngunit dahil wala naman silang nakitang sugat sa kaklase ko kaya nabaligtad pa ang sitwasiyon, nang sabihin ko sa kanila ang katotohanan na lagi ako nitong binu-bully. Naipit ako sa sitwasiyon, kaya wala na akong nagawa kundi ang aminin ang bagay na iyon. Bilang resulta ng aking pag-amin ay sobrang nagalit si mama, at hinihiling pa niya na patalsikin sa academy ang mga nam-bully sa akin. Marahil ay iyon din ang dahilan kung bakit ayaw na akong tanggapin ulit sa academy na ito. Hindi naman kasi kapani-paniwala na ang paghinto ko sa pag-aaral ang dahilan kung bakit ayaw na nila akong tanggapin, ‘di ba? Nakarinig ako ng malalim na buntong-hininga, na sinundan ng isang pahayag, na nagsasabing, “I’m very sorry, Mrs. Foster. We regret to inform you that we are unable to accept your child’s enrollment application in this academy.” Nanggaling ang boses na iyon sa taong labis kong kinapopootan. Marinig ko pa lang ang boses niya ay talagang naiinis na ako. Nasa principal office kami ngayon, napapaisip nga ako kung bakit si Mrs. Valdez ang naritong kausap ni mama. Nakaupo lang ako sa supa malapit sa kanila, kaya naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. “Hindi ba puwedeng bigyan ninyo ng kaunting konsiderasyon ang anak ko?” Nagbabakasakaling tanong ni mama. “At sa totoo lang, tumigil lang naman ang anak ko sa pag-aaral, big deal ba sa inyo ang bagay na iyon?” Tama si mama. Bakit big deal sa kanila ang bagay na iyon? Ganyan ba kahigpit ang patakaran nila? “Pasensya na talaga misis, hindi naman kasi patas para sa ibang mga estudyante kung pagbibigyan namin ang anak mo,” sabi ni Mrs. Valdez ng may diin sa kaniyang boses. “At nakalimutan mo na ba? Three students were expelled from this academy, and that is because of you and your child. Tapos ngayon nagmamakaawa ka, because we’re not giving your child a thing that you called “consideration”, Mrs. Foster?” Natatawang saad ni Mrs. Valdez. “Mrs. Valdez... I have a reason for demanding that those students be expelled from this academy, and I think you know what I’m talking about, right?” usal ni mama sa mapanghamon niyang tinig. “Don’t you remember? Hindi ba hinayaan mong ma-bully ang anak ko ng mga batang iyon, when you were his school adviser?” dagdag pa niya na ikinatahimik ni Mrs. Valdez. “Sa tingin ko ay dapat tapusin na natin ang pag-uusap na ito, dahil tila wala na rin naman itong patutunguhan pa,” anas ni mama. Sa totoo lang, deep inside ay nakangiti ako. Dahil sa wakas makakaalis na kami sa suffocating room na ito! “Paumanhin sa aking mga tinuran, Mrs. Foster,” saad ni Mrs. Valdez na nagpasimangot sa akin. “Kung iyong mamarapatin... puwede naman natin itong idaan sa mas maayos na paraan,” mungkahi niya. Hindi makitid ang utak ko para hindi maunawaan ang mga salitang iyon, malamang tungkol iyon sa pera. At sa pagkakakilala ko sa mama ko, sigurado ako na hindi niya iyon tatanggihan, bagay na ayaw ko sa kaniya. Kaya bago pa makasagot si mama, gumawa na ako ng paraan upang mapukaw ang kanilang pansin sa akin. Tinabig ko ang plorera na nakapatong sa accent table na nasa harapan ko, nahulog ito sa marmol na sahig at nabasag. “Alon!?” sigaw ni mama sa aking pangalan, at nagmamadaling lumapit sa akin. Magkahalong kaba at pag-aalala ang bumakas sa kaniyang mukha, nang makita ang nabasag na plorera. “Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Nasugatan ka ba?” sunod-sunod niyang tanong habang hawak-hawak niya ako sa tigkabila kong braso, at ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Marahil ay dahil sa pagkabigla. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko, para bang binabasa niya kung ano ang nararamdaman ko. Ngunit para lang akong estatwa—tulala at walang emosyon, dahil sinadya ko naman ang nangyari. Handa na sana akong magsalita upang sabihin sa kaniya na “ayos lang ako”, nang bigla akong makaramdam ng hapdi sa binti ko. Nang apain ko ito, saka ko lang napagtanto na natalsikan pala ako ng matulis na piraso ng nabasag na plorera. Kumapit sa kamay ko ang kulay pula, mainit, at malapot na likido. Bagay na makikita mo lang kapag ikaw ay nasugatan. “Jusko, nasugatan ka nga!” bulalas ni mama, nang kaniyang makita ang kulay pulang likido na kumalat na sa kamay ko. “May first-aid kit ba kayo dito, ma’am?” Tanong niya kay Mrs. Valdez na lumapit na din sa amin, para bang nakalimutan na nila ang mainit nilang usapan kanina. “Meron,” tugon ni Mrs. Valdez. “Saglit lang, kukunin ko.” Agad niyang tinahak ang drawer sa ilalim ng kaniyang table. Kinuha niya doon ang first-aid kit at ibinigay ito kay mama. “Heto.” “Salamat,” sabi ni mama bago abutin ang first-aid kit, pagkatapos ay agad na niyang inumpisahan gamutin ang sugat ko. Bawat paglapat ni mama ng bulak na may alcohol sa sugat ko ay ramdam ko ang hapdi, ngunit hindi ko magawa na sa kaniya ay umangal. Napapakagat na lang ako sa aking ibabang labi, at mukhang napansin niya yata iyon. “Masakit ba?” tanong niya bigla na ikinagulat ko. Agad akong ngumiti upang ipakita sa kaniya na ayos lang ako. “Hindi po,” tugon ko. Wala naman akong karapatan na umangal dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa akin. “Magsabi ka lang kapag masakit, ha?” bilin pa niya, tumango na lang ako bilang tugon. Nang matapos na si mama gamutin ang aking sugat, lininis naman niya ang nagkalat na piraso ng nabasag na plorera sa sahig. Tahimik lang ako habang pinapanood siya sa paglilinis, at nang matapos siya ay bumalik na ulit sila sa pag-uusap ni Mrs. Valdez. Hindi ko na narinig ang mga sumunod nilang pinag-usapan dahil lumabas na ako ng principal office. Sa labas na lang ako naghintay kay mama dahil gusto ko na talagang umuwi. Hindi na rin naman nagtagal si mama sa loob, dahil maya-maya lang ay lumabas na rin siya. “Mauna na kami, Mrs. Valdez,” sabi ni Mama. “Thank you for spending time talking with me,” dagdag niya. “Sigurado ka ba talaga na hindi mo tatanggapin ang alok ko?” tanong ni Mrs. Valdez. May bahid ng pagkadismaya ang kaniyang tono. Mukhang tagumpay ang aking plano, kaya napangiti ako sa tuwa. “I have made up my mind, Mrs. Valdez,” tugon ni mama. Nagbitiw si Mrs. Valdez ng isang malalim na buntong-hininga, kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at ang mapait na ngiti, habang malalim na tingin kay mama. “Sige... kung iyan ang pasya mo,” anas niya, pagkatapos ay bumaba ang kaniyang tingin sa akin. “Sa susunod ay magpakabait ka na, ha?” saad niya. May bahid ng pang-uuyam ang kaniyang boses. Ngumisi ako at linabanan ang kaniyang titig. Napasimangot naman siya sa akin dahil sa ginawa ko. Naramdaman ko ang paghimas ni mama sa buhok ko kaya napatingin ako sa kaniya, nadatnan ko siyang nakangiti sa akin na para bang alam niya ang nararamdaman ko. "Maiwan na namin kayo, Mrs. Valdez... and congrats on your promotion, nawa’y pagpalain pa kayo ng diyos," mahinahon ngunit matalim na sabi ni mama. Marahil ay may hindi siya nagustuhan sa kanilang pag-uusap. Tumawa ng mahina si Mrs. Valdez bago siya tumugon kay mama. “Sige, mag-ingat kayo sa pag-uwi,” sambit niya. Tumango si mama bilang pagtugon, pagkatapos ay umalis na kami. Bago kami tumuloy sa bahay ay dumaan muna kami sa CityMall para mamili ng mga gamit ko sa school, bagaman ay hindi pa ako enroll. Doon na rin bumili si mama ng lulutuin para sa hapunan. Tapos, uuwi na kami.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pisilin Mo, Mr Wild (SSPG)

read
29.1K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

Lick It Harder (SSPG)

read
38.7K
bc

The Nympho Meets The Casanova ( Dela Cuadra Series 1 )

read
14.8K
bc

Ang Pait Nang Kahapon

read
10.3K
bc

My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)

read
41.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
77.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook