Lauren’s POV “That’s my girl..” Seth just stared at me. Umasa akong babawiin niya iyong sinabi niya pero hindi pala! D amn. I glared at him para bawiin niya ang sinabi. Ngumisi lamang siya at sa wakas! Nagsalita rin siya! Obvious kasi sa mga mukha ng players ang pagtataka sa sinabi niya. “That’s my girl student assistant. Great job, Miss Imperial.” He clapped as if nothing happened. Kung hindi ko pa siya pinandilatan, hindi pa niya sana dudugtungan ang sinabi niya! Nakita ko naman na mula sa pagkakakunot-noo ng mga players ay hinayaan na lang nila iyon. Pero may iba talagang parang iniisip pa rin ang sinabi ni Seth, kagaya ni Nathan na mapanuri kaming tiningnan dalawa. Kinabahan ako ngunit hindi ko iyon pinahalata. Ikaw talaga Shiloh Seth Montreal! Lagot ka sa akin mamaya! “SETH! A

