"I'm not buying that." Huminga ako ng malalim saka tumayo. "Kukuha lang ako ng tubig." Tumalikod ako at aalis na sana ng hatakin niya ako at pabalikin sa pagkakaupo. He snaked his arms around me, making me feel secured. "You can cry, Vida. Don't act too tough, mas nag-aalala ako," his gentle hold and arms unlocked the door of my emotions. Parang bigla akong nagkaroon ng cue na umiyak. Natatakot ako, nalilito at parang hindi ko na kayang panindigan ang pangakong napag-usapan namin ng parents ko. Brion stayed beside me, gently tapping the small of my back as I cried in his arms. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa tulala nalang ako. I don't know how to explain this to him. Why did I even cry in front of him? Nakakaasar! I closed my eyes in annoyance.

