“Oh, sige… ako munang du-duty para sayo.” sabi ko kay Anton sa telepono. “Salamat. Pasensya na talaga.” malungkot na sabi ni Anton. “Ok lang naman. Alagaan mo muna ang mama mo, mas importante siya.” “Babawi ako.” I smiled. “Sige… asahan ko 'yan.” Nag-ayos na ako para maagang makapunta sa café. Hindi pa gising si Leo. Wala naman din siyang pasok ngayon pero kung hindi ko siya gigisingin at isasama malamang magtatampo 'to. Lumabas muna ako para ayusin at ihanda ang gamit ni Leo. “Oh… Tina, ang agad mo naman. May pasok ka ba ngayon?” takang tanong ni Tay Narding. Napakamot ako sa ulo. “Oo Tay e. Biglaan lang po. Hindi po kasi makakapasok si Anton.” Tumango si Tay Narding at suminsim ng kape niya. “Nabalitaan ko nga na sinugod daw sa ospital si Dessa.” “Oo nga po e. Kagab

