Binuksan niya ang backseat door. Tumakbo agad si Leo at sumakay sa loob. Ngiting-ngiti ito at tuwang-tuwa. Ngayon lang siya nakasakay dahil wala naman akong sasakyan dito. Pagkatapos noong aksidente, parang magkaroon ako ng truma pagdating sa mga kotse. I didn’t trust myself driving alone. “Halika na po, Mama.” tawag sa'kin ni Leo sabay tapik sa upuan. “Naku, anak! Bumaba ka diyan. Nakakahiya, hindi naman natin siya kilala e.” Kahit na ang pag-aalinlangan ko talaga ang ang pagsakay sa kotse ni Samuel dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hinarap ko si Samuel dahil hindi bumaba si Leo. I sighed heavily. Pumikit ako ng mariin. Hindi pwedeng magpatuloy ito. I opened my eyes but he looked like that this is nothing but just a simple ride. “Pwede ba. Hindi mo naman kami

