Nasa harapan na kami ng Tenement. Angtahimik. Pihadong may mga nagmamatyag sa paligid. “Tao po! Pabiling ice candy! Yohoho!” Loko-loko rin `tong si Rich na binato niya ang barrier. Malamang tatalsik `yan! Sisubukan kong ilampas ang akin kamay sa barrier. Inilalapit ko ang aking kanang kamay. “Hoy!” Pigil niya sa akin. “Baka mamaya laser `yan. Maputol `yang daliri mo. Ikaw din.” Nakakaloko pa ang kanyang ngiti. “Anong ako din?” “Huh? Wala `no. Baka nga maputulan ka. May insurance ba `yan?” Hindi ko na nga pinansin tuluyan ko nang nailampas ang kamay ko. I look at her with sarcasm. “See? Nothing happened. Tara.” She’s not moving. Natatakot siguro. Naduwag na naman! Hinigit ko siya sa kaliwang kamay saka hinila. “Grabe. Parang sa Zone 7. Gumapang yata sa katawan ko `iyong kapangya

