We’re flying towards them. The guardians are holding each other’s hand surrounding Raahn and the kids. The forcefield they created protected them from the storm like effects of the dragons. Kasabay ng paglapag namin ay ang pagbitaw nila at paglalaho ng forcefields. “Okay ba kayo dito?” tanong ko agad sa kanila. Raahn nods. “Hindi na kami nakahanap ng mapagtataguan dahil anglakas ng hangin at nagliliparan ang mga naputol na puno.” “Buti na lang po dumating sina Master Lyle!” Zeo proudly utters. “Akala namin kung ano na po iyong bilog nagliliwanag. Tapos po saktong-sakto sa amin! Boom!” He slams his fist exaggeratedly. “Nasasalag na po ang mga puno at mga malalaking tipak ng bato. Anggaling!” “Sorry. Kasalanan ko.” Hingi agad ni Rich ng tawad. “Nasaan na po sina Mayumi at Magiting?”

