bc

Shorts Stories

book_age16+
250
FOLLOW
1.0K
READ
drama
comedy
sweet
mxb
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

A compilation of my short stories.

It consists of different kinds of love.

Best friend love-story, Enemy to lovers, second chances, boss and employee love-story and many more!

Hope you like it!

chap-preview
Free preview
Rubik's cube
ALEX's POV " Aish! Ayoko na!" inis na ibinato ko ang hawak kong rubiks saka namaywang. Natatawa naman na kinuha ni Ciel ito. " Haha simpleng bagay lang umaayaw ka na." naiiling na sabi nito. Nagpout ako. " Ang hirap kaya nyan! Napakadaming kulay! Ah. Ewan. Masakit sya sa ulo. Ayoko na, sumakit tuloy ang ulo ko." Sabi ko na humawak pa sa ulo ko. " Sinisi mo pa tong rubiks. Naku, parang tyan lang kasi yan. Sumasakit pagwalang laman." Pang-aasar nito. Tinignan ko naman sya ng masama. " At anong ibig mong sabihin don?" Nakaarko ang kilay na tanong ko kahit alam ko na ang sagot. " Na wala kang utak?" Natatawang sagot nito. Pinaghahampas ko naman agad ito. " ewan ko sayo! Nakakainis ka! Siguro nga wala akong utak! Hindi ko alam kung paano kita naging bestfriend!" Inis na sabi ko na tumigil na sa paghampas. Oo. Bestfriend ko tong g*gong to. Ewan ko ba kung paano nangyari. Pero bestfriend ko na sya simula pagkabata. " Gwapo kasi ako." Sabi lang nya. Binigyan ko naman sya ng nagbibiro-ka-lang-look. Natawa naman ito. " Pwede ba ciel. Maganda ka. Hindi ka gwapo. " sabi ko na nagtanggal ng ngiti nito. Umarko naman ang labi ko dahil ako na ang nakangiti ngayon.. haha nakangisi pala. Its my turn! Haha mukha kasi syang babae. Sobrang kinis na mas aakalain mo pang sya ang babae samin. De joke. Super amo kasi ng mukha nya, unlike sa mukha ng lalaki na karamihan ay kantuhan. " Gwapo ako alex, gwapo." Sabi pa nya. Natawa ako lalo. Inis na inis kasi to lagi kapag inaasar ko ng ganito. Nakakatapak daw ng p*********i. " Sus. Tanggapin mo na kasing maganda ka ciel. " hirit ko pa ng pang-aasar. Nagpipigil naman ng inis na tinignan lang ako nito. Haha ganyan yan. Mas gusto nyang manahimik na lang kesa makapagsalita ng hindi dapat. Minsan ko na syang nakitang nagalit. Super nakakatakot. Dun lang ata lumalabas ang pagiging lalaki nya. Haha. Tumalikod ito sakin at sinimulan na lang nitong buoin ang rubiks na kaninang binitawan ko. Oops. Galit na sya. Ok alex, tama na. Lumapit ako sa kanya saka yumakap sa likod. " sorry na." Pacute na sabi ko. Ok lang na gawin ko ito dahil parehas naman kaming walang sabit. Ako may dahilan kung bakit pero sya.. ewan ko. Hindi nya ako natitiis kapag ganito. haha. Ako pa ba? Cute ko kaya! Hindi naman makatingin na umiwas ito ng tingin. " uy, sorry na.. bibili na lang kita ng ice cream." Sabi ko. Napatingin naman ito sakin. Yiiieh! Ice cream lang pala ang gusto " anong akala mo sakin bata?" Sabi nya na natatawa na. Hihi at least tumatawa na sya. " bakit? Bata lang ba ang nag-a-icecream?" Sabi ko na ikinatawa nya habang umiiling. " ewan ko sayo." Sabi lang nya pero nakangiti. Hinatak ko na ito at nagpadala naman ito. ---- " Hmmm... Sarap!" Parang batang sabi ko. Natawa lang ito sa iginawi ko. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng mapansin na nakatitig ito sakin. " bakit?" Nagbawi ito ng tingin. " A-ah. Wala." Sabi nya saka kumain na lang ng ice cream. Nagtatakang nagpatuloy na lang ako sa pagkain pero pinapakiramdaman ko pa rin sya. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga nito. May problema ba to? Magtatanong na sana ako ng bigla itong magsalita. " Alex.. may nagugustuhan ka na ba?" Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya. " Nagugustuhang ano?" " Lalaki malamang." Sabi nya kaya napanguso ako. Napangiti bahagya ito pero sumeryoso ulit. " Ano, meron na ba?" Tanong nya ulit na ikinakaba ko. Yung t***k ng puso ko parang drum sa sobranfg lakas ng tambol. Diba sabi ko may dahilan ako kung bakit hanggang ngayon wala akong boyfriend? It was him. I am inlove with him. With my bestfriend na alam kong walang patutunguhan kaya matagal na panahon ko nang itinatago. Ayokong sirain ang friendship namin. Ayokong makita syang lumayo at iwasan ako. Masakit yun. Mas kaya ko pang tiisin ang nararamdaman ko kesa layuan nya. Sandali.. bakit ba nya ba tinatanong? " Bakit mo naman tinatanong?" Tanong ko. Napaiwas naman ito ng tingin. " Wala lang.. basta sagutin mo na lang! Ang dami mong itinatanong. May tanong pa nga ako eh." Sabi nito. Natawa naman ako. " Chill." Natatawang sabi ko. Inirapan naman ako nito. Haha kita mo to. Lalaki daw po sya. " Ano na? Meron ba?" Naiinip na tanong na ulit nito. Ang atat nito. Bakit ba kasi gusto nyang alamin? Napatigil ako ng may biglang maisip. Siguro iyon ang dahilan.. Kaya nya itinatanong ito at kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa sya nakikitang nagdadala ng babae.. Siguro.. Hinihintay nya ako.... Na magkaroon muna ng boyfriend bago sya mag-girlfriend. Minsan kasing sinabi sa kanya iyon ng mama nya. Masunurin ito sa magulang kaya.. baka iyon nga ang dahilan. Naramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng dibdib ko. Napakagat ako ng labi. Masakit. Pero hindi ko kayang makitang nahahadlangan ko pala ang kaligayahan nya. Ngumiti ako. " Meron na." Sabi ko saka sumubo na lang ng ice cream para mapigilan ang pagpatak ng luha ko. " Ah.. meron na.. " parang may bahid ng lungkot na sabi nito. "Nahuli na pala ako." Sabi pa nya kaya napalingon ako sa kanya. Naiiling na nakatingin ito sa ice cream nya. " Sa sobrang tagal kong naghanap ng tyempo, naunahan na ko ng iba. Tsk." Sabi pa nya. Teka.. ano bang sinasabi nya.. Lumingon ito sakin. Kita ko ang lungkot sa mata nya. " Ciel.." tawag ko sa kanya kasi kakaiba yung lungkot sa mata nya. Bigla naman itong parang natauhan. Umiwas ito ng tingin saka tumayo. " Ah nakalimutan ko, nagyayaya pala sina drake magbasketball. Sige alis na ko." Walang lingong sabi nito saka dire diretsong umalis. " teka.. san!... da... li..." Di ko na naituloy ang sasabihin dahil nakalayo na ito. Ano bang trip nya? kanina lang ok pa naman kami. Naupo ako ulit sa bench habang nakatingin pa rin sa dinaanan nya. Napabuntong hininga na lang ako ng maisip ang naitanong nito kanina. Kung alam lang nya kung gaano kahirap magsinungaling. Nasa harapan ko na ang sagot kanina pero hindi ko magawang sabihin. Kasi naman eh. Bakit ba naging bestfriend pa kita? Wala akong ibang magawa kundi ang bumuntong hininga. --- Kinabukasan... Nagpunta ako sa bahay nila " Sorry alex, ayaw lumabas eh. Nakakapagtaka nga, sinabi ko na ang pangalan mo pero di pa rin lumabas, nag-away ba kayo?" Tanong ng mama nya. Napatingin naman ako sa bintana ng kwarto nya. Lalo tuloy nabahala. Wala naman kaming pinag awayan ah, bakit nagkakaganyan sya? " Wala naman po akong matandaang nag away kami tita.." Lingon ko sa mama nya. Napaisup din tuloy ito. " Bakit kaya nagkakaganyan yan? Puberty ata. Binata na eh." Natawa naman ako sa sinabi nito. Maya maya pumitik ito. "Nga pala. Maiba tayo alex, wag kang mawawala sa 21st birthday nya ah? Sa susunod na linggo na yun" nakangiti ng sabi ni tita. Tumango naman ako. Aba. Di pwedeng mawala ang pinakamaganda sa lahat. Chos. haha syempre no. Bestfriend ako eh. " Oh sige maiwan na kita ha? Maghahatid pa ako ng mga oder eh." Ngumiti naman akong tumango. " Ok po tita, paalis na din ako. Sige po. Salamat." Nakangiting paalam ko na kay tita sabay lakad na palayo. Gumanti ito ng kaway. " Ingat ka hija, agsfhsbdnbm ka pa ni Ciel."" Napalingon ako bigla kay tita. Napakunot ako ng noo kasi hindi ko narinig yung bandang gitnang sinabi nya. Bigla kasing may dumaan na motor. " Haha wala yun hija. Sige na." Sabi ni tita na natatawa ng mapansin ang pagkunot ng noo ko. Umokey na lang ako saka magalang na tumango. Pagkatalikod ay napapakiling ako ng ulo. Kakaiba ang mga kinikilos nila. Ano kaya yung sinabi ni tita? Mahalaga kaya yun? Hmmm, ano bang pwedeng kasunod? *** ka pa ni ciel.. Nag-isip ako kung anong pwedeng kasunod. Hmmm.. aawayin? Napastraight body naman ako ng maisip yun dahil na din hindi ako nito nilalabas. Hala? Pero teka. Wala naman kaming pinag-awayan diba? Pero ayaw nya din akong labasin kanina.. Hala ka.. galit ba sya? Sa pag-iisip ko ay napatingin ako sa bintana ng kwarto nya. Sakto naman na nandun din pala ito at nakatingin sa direksyon ko. Naexcite agad ako ng makita sya. Bumuka na ang bibig ko para tawagin siya ng bigla nitong isara ang kurtina. T-teka.. Galit ba talaga sya? Saan naman sya nagalit? Nag-isip ako. Ang last lang naman na pinag-usapan namin ay kung may nagugustuhan na ko diba? Anong dapat nyang ikagalit dun? Diba dapat matuwa sya kasi makakapag-girlfriend na sya? Naguguluhang nag-iisip pa din ako ng mapatigil. Hindi kaya.. Kasi may ipapakilala sana sya sakin? Kasi sabi nya kahapon.. ' nahuli na pala ako. sa sobrang tagal kong naghanap ng tyempo, naunahan na ko ng iba.' Siguro iyun yun. Kumirot na naman ang bandang dibdib ko sa naisip na iyon. Ang sakit lang isipin na.. inirereto ka sa iba ng taong mahal mo.. Ang mas masakit pa dun, yung hindi mo kayang sabihing.. "Ayoko, ikaw ang gusto ko" Napatingin ako sa bandang dibdib ko ng may pumatak na likido. Napahawak agad ako sa mata ko. Di ko namamalayan. Umiiyak na pala ako. Pinunasan ko na agad ito umalis na sa lugar na iyon. Nakakahiya kapag may nakakita saking umiiyak sa harapan ng bahay nila. Baka matsismis pa at makarating kay ciel. Ayaw na ayaw pa man din nun na nakikita akong umiiyak. Lahat ng nang-aasar sakin binubugbog nya kahit mukhang tomboy sya. Kaya walang maglakas na mang-away sakin eh. Sya lang. Napabuntong hininga ako ng maisip yun. Grabe.. wala pang dose oras ang nakakalipas.. namimiss ko na sya. Ganitong oras, magkasama na kami eh.. saktong 8 kasi ng umaga pupunta na sya sa bahay para sunduin ako at ihatid sa shop. May maliit na shop kasi ako ng mga laruan. dahil sa kapatid kong bunso kung bakit ito ang naisip kong i-negosyo. Baby pa kasi. Araw araw tatambay yun sa shop ko at maglalaro ng parang wala syang sariling business. Sya na ata ang nakalaro ng lahat ng laruan ko. Kaya ang bilis nyang buoin ang napakahirap para sakin na rubiks. Wala pang 15 seconds tapos nya na. Grabe din utak nun. Taas ng iq nya. Kaya sa murang edad nakapagpatayo sya ng sariling company. At hindi lang basta basta. Yung pinaka malaki dito sa city namin. Nakakapanliit sa shop namin. Kaya petiks lang yan at paupo upo lang sa shop ko eh. Napapailing na nakangiti na pala ako. Grabe.. kapag sya ang ang nasa isip ko wala pang isang segundo napapangiti na ko. Inlove nga ako. Kaso.. sa maling tao naman. Napabuntong hininga na naman ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. ---- " Magreply ka.. magreply ka.." nananalanging sabi ko habang nakatingin sa phone ko. Nasa kwarto ko na ako. Gabi na kasi kaya naisipan kong itext si ciel. Siguro naman wala na ang galit nya sakin. Hindi kasi nagtatagal ang away namin. Pero ilang oras na kong naghihintay, nakailang posisyon na nga ako sa kama pero wala pa rin akong naririnig na beep. Kinuha ko ang phone ko para sana magtext ulit. Pero napatigil ako. Galit ba talaga sya sakin? Humiga ako. Nag-iisip. Walang pumasok sa isip kong sagot kundi galit sakin si ciel. Kinuha ko ang phone ko at tinext ito. Kahit masakit at labag sa loob ko, sinabi ko ang mga katagang ito: " Ok na akong makipagkilala sa ibang lalaki. Kaya kung may ipapakilala ka. Ipakilala mo na." Malalim ang hiningang isinend ko ito. Nakapikit na nananalangin akong sana magreply sya pero katulad kanina.. wala pa rin.. Binuksan ko ang bintana ko saan katapatan ko lang ito ng bintana. Nakabukas ang ilaw nito kaya sigurado akong gising pa ito. Nakakaramdam tuloy ako ng lungkot kasi parang nagiging balewala na ako. Ganito ba ka bigdeal ang pagsisinungaling ko. Kung alam mo lang.. Ayaw ko rin ng sinabi ko.. Ang hirap magpanggap na ok lang. Kahit ang totoo.. ang hirap na magpanggap na kaibigan lang ako. I want to be more than that. Pero talagang malabong mangyari yun. Matagal nya ng sinasabing kapatid nya lang ako. So.. kahit masakit.. kaya kong tanggapin.. makasama lang sya. Tumungo ako at binaba na ang kurtina ng bintana ko. Naupo na ako. Napahawak na naman ako sa mata ko dahil namamasa na ito. Grabe lang.. Nagtiis akong hindi sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, wag lang nyang layuan. Pero anong nangyayari ngayon? Nauwi pa rin sa ganitong sitwasyon.. Dumapa ako para makaiyak. Ayokong marinig nina mama na umiiyak ako. Hindi ko namamalayan nakatulog na pala ako... ---- Kinabukasan... Lumabas ako ng bahay para sana mangapit bahay kina Ciel ng makita ko syang tumatawang inihatid palabas ang barkada nya. Napangiti ako ng makita ang ngiti nya. Hinintay ko muna na makaalis ang barkada nya. At nakaalis na nga ang mga ito, Papasok na sana ito ng mapagawi ang tingin sakin. Ngumiti ako at aakmang lalapit sa kanya ng tumalikod agad ito. I froze for seconds sa ginawa nya. Does he turn his backs on me? Wala sa loob na nangilid ang luha ko. " I-im sorry.." nakayukong sabi ko. " Kung may nasabi ako o nagawang mali.. s-sorry na.." patuloy ko. Tumutulo na ang luha ko. Napansin ko ang pagtigil nito. Marahas itong huminga. " you did nothing. Ako mismo ang problema." Sabi nito. Napatunghay naman ako sa kanya. Napaiwas naman agad ito ng tingin. " Bukas.. may ipapakilala ako sayo." Sabi nito saka pumasok ng bahay nila. Tulala naman na naiwan ako. Ugaling ugali nya talaga ang hindi ako hinahayaang sumagot. Pero.. at least ngayon kinausap nya na ako. Kahit pa.. hindi maganda ang pinagusapan namin. Umuwi na ako. San pa ba ako pupunta? Eh nakausap ko na naman si Ciel. ----- Kinabukasan.. " Hi Alex!" Bati sakin ni drake na kaibigan ni ciel. Tipid na ngiti lang ang binigay ko. " Bakit ka nandito? Wala si Ciel dito." Sabi ko. Natawa naman ito sa sinabi ko. Napakamot ng ulo. " hahaha hindi pa ba sinasabi sayo ni Ciel?" Napatigil nman ako saka tumingin sa kanya. Wag mo sabihing.. " I-ikaw yung ipapakilala ni Ciel?" Tanong ko. Ngumiti ito saka tumango. Napa-ahh naman ako. Hindi ko akalaing ang guy bestfriend nya ang irereto nya sakin. Mabait naman si drake. Kalog kaya magkasundo din kami. Kaya ok lang siguro sya. Gugustuhin ko sya.. para kay ciel. Inentertain ko sya sa sala. Nagkwentuhan kami ng kung ano ano. natatawa rin ako paminsan minsan. Hindi naman siguro sya mahirap mahalin. Nakatingin ako sa kanyang nagtitingin ng magazine ng bigla itong magsalita. " Anong tingin mo kay Ciel?" Tanong nya. " Ha?" Confused na tanong ko. " Hanggang kaibigan lang ba talaga ang g*gong yun?" Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi nya. Nakakunot na nakatingin ako sa kanya, naiiling naman ito. " Kaya siguro hirap ang g*gong yun" sabi nito saka tumingin sakin. " Hindi mo ba halata? Hindi mo nararamdaman?" Tanong pa nito. " Ang alin?" Naguguluhang tanong ko pa rin. Nakakaloko kasi ang tanong nito. Nailing naman ito. " Tangena. Isang torpe at isang manhid." Sabi pa nito. " Gusto ka ni Ciel. Higit pa sa kaibigan." Napatulala naman ako sa sinabi nya. Imposible... " Gusto ka nya. Simula gradeschool pa lang. Ikaw ang bukambibig nun. Kaya nga kahit yayain ko magbasketball tinatanggihan ako para lang tumambay sa inyo." Nanatili lang naman akong tahimik. Parang imposible kasi.. diba nagalit pa nga sya sakin ngayon kasi may nagugustuhan na kong iba---- Teka.. wag mong sabihin na.. iba ang ibig sabihin nya sa sinabi nya noon.. " Sabi nya sakin aamin na sya sayo kaya nagtataka ako ngayon ng sabihan nya ako na kung pwedeng ligawan kita." Napalingon ako sa kanya. " Wag kang mag-alala. Wala akong balak ligawan ka. Nagpunta ako ngayon para malaman kung wala ba talagang pag-asa sayo ang gagong torpe na yun. Tangena, halata naman kasi sa mukha nya na ayaw ka nyang ibigay sakin." Naiiling na sabi nito. Akala ko.. nagagalit sya kasi hindi nya naipakilala sakin ang gusto nyang ipakilala.. yun pala.. Ako ang gusto nya. Gusto kong mangiti ng maisip yun. " Ok lang ngumiti. Wag mo ng pigilan." Natatawang sabi ni drake. Namula naman ako sa sinabi nya. nakalimutan ko. Kasama ko papala sya. Tumungo ako. " Haha. Gusto mo rin sya no?" Napatingin ako sa kanya saka nahihiyang tumango. " Woooh! Tangena! Gusto nyo naman pala ang isat isa eh. Pinahihirapan nyo pa ang mga sarili nyo! Pati ako dinadamay nyo." natatawang sabi nito na ikinatawa ko din. Nakangiti itong tumingin sakin ng bigla itong ngumisi na para bang may naisip na kalokohan. " Alex, diba magbibirthday na ang g*go? Bigyan natin ng di nya malilimutang birthday." Nakangising sabi nito. Nakatinging pinakinggan ko lang naman sya. Plano nito na magpanggap kami na nagdedate bago ang birthday nya. Kaya ganun nga ang ginawa namin. Araw araw bago ang birthday nya ay lagi kaming magkasama. Minsan nakikita namin si ciel na nakatingin saka magiiwas ng tingin at papasok na lang sa bahay nila. Gusto ko syang lapitan pero pinipigilan ako ni drake. "Hayaan mo, para matauhan." Sabi nito kaya sa huli. Wala akong ginawa. Patuloy kami sa pagpapanggap na nagdedate hanggang sa dumating ang araw ng birthday nya. Nag-ayos ako ng sobra. Yung tingin ko simple lang pero maganda pa rin. Si Drake ang escort ko. Gwapo din ito sa suot nya. Sabagay gwapo naman talaga. Mas gwapo lang si Ciel. Ay mali. Maganda pala. Haha. " lets go and make him cry." Sabi nito. Pumunta na kami sa katapat lang na bahay, kaya simple lang ang isinuot ko eh. Kalapit bahay lang kasi namin. Nakabukas ang gate para sa lahat. Kaya pumasok na kami. Sinalubong kami ni tita. " Oh hija. Pasok ka." Nakangiting sabi nito. Ngumiti ako at tumango. " salamat po." " Ganda talaga ng batang ito." Sabi pa ni tita, Nahihiyang ngumiti lang ako. " Pasok na kayo, Drake.. pasok na" ngumiti si Drake saka nagbigay galang kay tita. " Sige po tita. Tutuloy na kami." Pumasok na kami sa loob. Napakadaming bisita. Karamihan dito at empleyado ni Ciel. Sabagay, malaking kompanya yun kaya madami ang tauhan. Ngayon lang kasi naghanda si Ciel sa araw ng birthday nya. Ayaw daw nya magbisita. Nakakapagod daw. Haha loko talaga yun. Pero ibang usapan ang 21st sa mga lalaki. Debut yun kaya di pwedeng palagpasin. Marami ang napatingin samin. Marami ang nakakakilala sakin. Ngumiti sila kaya gumanti ako ng ngiti. Umupo na kami ni Drake sa isang lamesa sa bandang gitna. Dun daw kasi ang upuan ng malalapit na kaibigan ng celebrant. Kasalo namin sa upuan ang barkada ni Ciel. Kakilala ko naman sila kaya ok lang. Ang nakakailang lang.. ako lang ang nag-iisang babae.. " Haha oh diba? Ikaw talaga ang prinsesa. Nag-iisang girl bestfriend. Daw. Daw." Sabi ni drake na nasa kaliwa ko. Nailing lang ako sa sinabi nya pero natawa din ako ng bahagya. Hinanap na ng mata ko si Ciel. napagawi ang mata ko sa lugar malapit sa stage. Nandun kasi sya na nakakulay black and white na leather jacket. Kita mo to. Imbis na tuxedo eh. Mukha syang gangster eh. Pero infairness ah. Nagmukha syang lalaki kahit papano ngayon haha. May kausap ito. Mukhang ok na naman sya kasi nakakangiti na sya. Nakamove on na kaagad sya? Hala! Lumingon agad ako kay Drake. " Drake.. mukhang balewala na ko sa kanya.." pabulong na sabi ko. Baka marinig ng kasama namin sa table eh. " Loka. Pakitang tao lang yan. Ganyang ganyan yan kapag nakikitang may kinakausap kang lalaki." Natatawang sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya. Di nga? Gusto ko tuloy mangiti pero pinipigilan ko. Kasi syempre. Kaharap ko sya. Alaskador kaya to. " Ok lang kiligin. Wag mo ng itago." Pang-aasar nito. Namula naman ako sa sinabi nito kaya natawa ito. Natawa na lang din ako. Loko loko talaga to. Lumingon ako sa harapan ng di sinasadyang magtama ang mata namin. Malungkot na nakatingin na pala ito sakin. Parang may sinasabi yung mata nya. Hindi ko alam kung pano sya babatiin. Hanggang sa tumalikod na lang ito. Tatayo na sana ako para habulin ito ng pigilan ako ni Drake. " Wag. Sisirain mo ang plano." Napaupo naman ako. Walang magawang bumuntong hininga na lang ako. Matatapos din tong sitwasyon na to. Maghintay ka lang ciel. Masasabi ko din ang matagal ko ng gustong sabihin. Mahigpit kong nahawakan ang nakabalot kong regalo. ---- Nagsimula na ang program ng party nito. Simula sa prayer, sa palaro.. sayawan.. kantahan.. .. hanggang sa umabot na sa hinihintay naming oras.. ang message ng mga kaibigan. Nauna na ang barkada ni ciel. Kinakabahang nakaupo ako habang tinititigan sya. Tumatawa ito sa katarantaduhan ng barkada nya. Sumunod na si Drake. Nawala bigla ang ngiti ni Ciel, napalitan ng pagkaseryoso. Mahal ba nya talaga ako? Pero sabi ni Drake oo eh.. Matalik silang magkaibigan. Makita nya palang si drake, binabati nya na.. pero ngayon.. mula sa nakangiti, sumeryoso ang mukha nito. Proof na to diba? " Yow dude. Happy birthday. Salamat nga pala sa pagkakataon. Wag kang mag-alala. Hindi ko sinayang yun. Sana din, sa susunod na bigyan ka ng pagkakataon, kunin mo na. Wag mong ipamigay. Kasi ikaw lang din ang masasaktan. Happy birthday ulet dude. Sana maging masaya tong araw mo." Iba ang ngiting sabi ni Drake. Hindi naman maipinta ang mukha ni Ciel. Lumakad na papunta sa upuan namin si drake. Ngising ngisi ang loko. Haha masarap daw kasing asarin ito kapag ako ang usapan. Napipikon daw. Naiiling naman ako. " Oh ikaw na." Tapik sakin ni drake. Tumango naman ako. Malalim ang hiningang hinugot ko bago tumayo. Kita ko ang pagbabago ng expression ni Ciel.. lumungkot ito kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. Tsk. Di mo gagawin yan kung sinabi mo ng maayos. Tumapat ako sa mic. "Goodevening everyone." Bati ko sa lahat. Saka tumingin sa nakatingin sa ibang si Ciel. " Oh regalo ko. Buksan mo." Napatingin naman ito sakin ng ibato ko sa kanya yung katamtamang liit ng box. " Mamaya na." Tamad na sabi nito. " Ngayon na." Sabi ko pa. Tumingin ulit ito sakin at walang nagawa kundi buksan ito. Parang asar namang napatingin ito sakin ng makita ang laman. "Hindi mo kayang buoin kaya binigay mo sakin?" Disappointed na sabi nito nang makita ang Rubik's cube na regalo ko dito. " Ewan ko sayo. Basta buoin mo na lang." Irap na sabi ko. Nang-aasar kasi eh! " tsk. Mamaya na lang." Sabi nito. " Kaya nasasayang ang panahon eh, ka mamaya mo. Pano kapag wala na? Saka mo lang maiisip na sana ginawa mo agad?" Inis na sabi ko sa kanya. Natigilang nakatingin ito sakin. Maya maya nagbawi ito ng tingin. " Eto na, ang dami mo pang sinasabi. " sabi nito saka nagsimulang buoin ang rubiks na regalo ko. Eto ang napagplanuhan namin ni drake. Wala pang 15 seconds natapos na nya. " Oh." Bigay nya. Ngumiti naman ako. " Masaya ka na?" Tanong nito. Umiling ako. " Tignan mo muna." Sabi ko. Ito naman ang umirap ngayon pero ginawa din nya ang sinabi ko. Pagkatingin nito ay para bang huminto ang oras dahil sa pagtigil nito. Nanlalaki ang matang paulit ulit nitong binasa ang nakasulat. Napapangiti naman ako sa reaksyon nito. " I love you Ciel. Simula ng bata pa lang tayo. Ikaw na talaga ang gusto ko. Wala akong ibang makitang lalaki bukod sayo, kasi lahat ng gusto ko na sayo na. Ah mali. Lahat pala sa pagkatao mo, gusto ko." Naghihiyawan ang barkada sa sinasabi ko. Nahihiya ako pero.. eto na eh. Kakayanin ko to. Napatingin ito sakin na parang hindi pa rin makapaniwala. "Nung araw na tinanong mo ako kung sino ang gusto ko, kung alam mo lang na nasa harapan ko na ang sagot. nagsinungaling ako for the sake of friendship. Saka akala ko, hinihintay mo lang akong mag boyfriend para makapaggirlfriend ka na katulad ng sinasabi ni tita sayo." Patuloy ko pa. Nangingiti na ang lahat. Habang ang lalaking nasa harapan ko ay hindi pa rin makapagsalita. " akala ko pa nagalit ka kasi hindi mo nagawang makapagreto sakin kaya kahit labag sa loob ko, tinext ko iyon." Sisi naman ang makikita sa mukha nito. " hindi ko kayang makitang lumayo ka sakin kaya tinago ko ang nararamdaman ko, pero nangyayari pa rin. Lumalayo ka sakin. Kaya kahit masaktan ako, gagawin ko ang gusto mo." Sabi ko pa. Umiling naman ito " Hindi. Hindi iyon ang gusto ko. Akala ko kasi, gusto mo na talagang magkaroon ng boyfriend kaya ko na sabi yun. Saka iba ang ibig kong sabihin sa sinabi kong yun. Ako mismo, sarili ko mismo ang gusto kong ireto sayo. Kaso natatakot din akong mag-iba ang tingin mo sakin. Natatakot akong lumayo ka sakin kaya umooo na lang ako sa sinasabi mo." Sa wakas na sabi nito. " Kung alam mo lang kung ganong kasakit sakin na ireto ka kay drake. Hinihiling ko na sana ako na lang sya." Patuloy pa nito hanggang sa napalingon ito kay drake at napaisip saka ulit tumingin sakin. " Eh.. diba.. nagde-date na kayo?" Takhang tanong nito. Natawa akong umiling. " Palabas lang yun. Gusto ka daw asarin ni Drake. Pumayag lang sya sa inaalok mo para alamin ang nararamdaman ko para sayo. " Nakangiting sagot ko. Napatingin naman ito kay Drake. " Ang torpe mo kasi dude. Kaya ka mawalan eh." Naiiling na sabi nito. Hindi naman maintindihan ang mukha ni Ciel. Parang iiyak na parang masaya. Maya maya ay tumayo ito at niyakap ako. Rinig ko ang hiyawan ng tao Mahigpit akong niyakap nito. Napangiti naman ako. Ibinaon nya sa balikat ko ang mukha nya. Maya maya nararamdaman ko na na nababasa ang balikat ko. Nakapa-tube kasi akong dress. " Ciel.." Mas lalo nyang ibinaon ang mukha nya sakin. " S-salamat. Salamat" umiiyak na sabi nito. Hindi naman ako makapagsalita. Ito kasi ang unang pagkakataong umiyak ito sa harapan ko. " A-akala ko talaga.. mawawala ka na sakin. Akala ko talaga hanggang kaibigan lang ako. Akala ko hindi ko na masasabi ang totoo kong nararamdaman." Tumingin ito sakin. Basa pa ng luha ang pisngi nito. Grabe. Kahit sa pag-iyak, mukha pa ring babae haha. " I love you more than anything that i can't afford to lose you. I love you so much, Alex." Sabi nito na puno ng pagmamahal ang mga mata. Naiiyak na napatitig ako sa kanya. He smiled and cuffed my face. " thank you." He mouthed. Ngumiti ako. " Woooohh! Kiss na! Kiss! Kiss! Kiss!" Napalingon naman ako sa sigaw ng barkada. Nangunguna sa sigaw si Drake. Loko loko talaga to. Tumawa lang ako at umiling. Mga loko loko eh. Lumingon ako kay ciel saka napalaki ng mata. Sinalubong nya kasi ako ng halik. Kaya malakas ang naging hiyawan ng mga barkada nya. Nakangising humiwalay naman ito. " Di dapat dini-disappoint ang fans." Sabi nito kaya pinalo ko naman ito sa balikat nya. Masayang sinalag naman nito. Napangiti na lang ako habang umiiling. Kanina lang napakalungkot nito, pero ngayon.. halos mapunit na ang labi sa pagkakangiti. Masaya akong pinagmasdan syang nakikipagkulitan na sa kaibigan nya. Pinagkumpulan kasi ito ng mga loko kaya umatras ako pababa ng stage. Nakangiti lang na pinanood ko sila. Ang sarap kasing tignan ng ngiti nya. Lalo na, ang sarap isipin na ako ang dahil nun. " Oh diba.. sabi ko sayo eh. Mamahalin ka pa nyan." Napalingon ako sa nagsalita na si tita pala. Nakangiti ito sakin. Teka.. kelan sinabi? Ha.. sandali.. hindi kaya iyon yung... hindi ko narinig? Yung.. ' ingat ka hija, *** ka pa ni Ciel..' Napalaki ako ng mata ng maisip yun. Natawa naman si tita sa reaksyon ko. " haha, matagal ko ng alam na gusto ka ng anak ko. Wala naman akong tutol dahil ikaw din ang gusto ko para sa kanya. Ikaw ng bahala sa kanya ha? Mahalin mo ng sobra ang anak ko." nakangiting sabi nito. Napangiti din naman ako saka tumango. Pinat nya ang ulo ko saka umalis na nakatingin sa likod ko. Nagulat ako ng may biglang yumakap mula sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita si Ciel na ngiting ngiti. " Anong pinag-usapan niyo ni mama?" " Wala lang. " sabi ko. Natawa lang ito. " Nagbigay na ng basbas no? Haha kung alam mo lang kung gano ako inuurirat nyan na umamin na sayo. Tsk. Botong-boto sayo." Sabi nya na ikinangiti ko. " Ah sa wakas. Nayayakap na kita ng ganito. " sabi nito na mas hinigpitan ang yakap sakin. Napangiti naman ako sa sinabi nito at hinayaan lang sya. Napatingin ako sa maliit na box na sa lapag na nahulog nya kanina. Nakangiting binasa ko ang nakalagay dito. " Mahal kita.. magandang lalaki."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook