Bella Donna Madrigal UMALIS SI Rive bago pa magising si Severio, hindi rin nagtagal ay nagpaalam na rin naman si Lewis sa akin. While Severio is at school, napagpasyahan kong bisitahin si Rive sa kanyang kompanya. He has been inviting me lately, but I refused to go there especially because I know the people here don’t like me, for him. “Dadalhin mo sa opisina ni Rive?” tanong ni Anais habang pinapanuod ako sa pag-aayos mismo ng lunch para rito. “He invited me last night, might as well go there.” “Hindi ka niya susunduin? Ikaw ang pupunta roon?” kumunot ang nuo niya at nung balingan ko ng tingin ay umiwas siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng counter. “Hindi ba at mas maganda na kasama mo siya? People will think that you are the one forcing yourself on him.” I paused and thought of that a

