Cold As You

2264 Words
Rule Seven Cold As You   Summer’s POV Focus, Summer. Gotta focus. You can do this. Atta, girl! Really though… Pinaniniwala ko lang ba ang sarili ko o talagang kaya kong gawin? Argh! I should’ve known. Kailan ba talaga ako madadala? Hindi na ako natuto. Lagi na lang akong inaabutan ng malas kapag ginagamit ko ‘tong pesteng kapangyarihan ko, e! Namaann… Mommyyyyy! Heeelp! “Okkkayyyy… you should drop that, honeysuckle. It’s not working.” Binuksan ko ang isang mata ko. ‘Tapos ‘ayun, nang makita kong nakakunot ang noo niya binuksan ko na ng tuluyan. “Seriously? I’m trying my best here. Can you please shut up?” Umismid siya. “Really? Alam naman nating dalawa na hindi reversible ang invisible barricade na ginawa mo. Hindi tayo pwedeng umalis dito, Summer. Not unless you pull the barricade up, we run off fast, then you pull it back down. Believe me, wala tayong lusot. Kaya h’wag ka nang magsayang ng pagod d’yan.” Tinignan ko siya ng matalim. Sinalubong lang niya ang tingin ko ng nang-aasar na pares ng mata. Kainis. Hookay. Tama naman kasi siya. Hindi kami makakalabas pwera kung pansamantala kong ibababa ang barrier. But I can’t bear to risk the pack’s safety. I promised to keep that barrier on until the hunters are out of their territory. Paano na kami ngayooon? “Itigil mo na ‘yan, honeysuckle. Kanina mo pa ginagawa ‘yan.” “Tse!” Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Pinagdikit ko ang dalawang palad ko, trying to picture some remedy in my mind. Limang oras ko na po itong ginagawa mula pa noong gabing nangyari ang pag-atake ng Sector. Kasalanan ko bang nagkataong nandito kami nang sumugod sila? Tahimik na sana. Makakapag-focus na sana ako. Ito lang ang problema. I felt a hand running from my hip down to my waist. Natigilan ako at nakiramdam. Pumaikot na sa bewang ko ang kamay na iyon at niyayakap ako mula sa likuran. Napakunot ako ng noo. Mas naging alarma ako nang maramdaman ko ang pinaghalong lamig at init na humahagod sa may bandang leeg ko. Napadilat ako ng mata. …only to find Cyrus licking my bare shoulders. “Ay gago kang sagad!” bulalas ko sa sobrang shock. “Aaaaaaaaaaaaah!” sigaw niya ng malakas. He doubled over as if in pain. “Aray! Aray, aray, Summer. Hey, hold it! Enough! It hurts.” Nakalayo ako sa kanya. Napaluhod siya sa sahig. Tamer niya ako. Or rather, anak ako ng tamer niya. Nasa dugo ko ang pagdidisiplina sa kanya. Hindi ko rin alam kung paano ginagawa pero kagaya nito, kapag tinititigan ko siya ng matalim at iniisip kong masaktan siya, bigla na lang siyang hihiyaw sa sakit. “Aw! Summer, I’m just making you relax!” “Relax mo mukha mo. Magpapalusot ka pa, aswang ka.” “Bampira ako hindi aswang,” at napahiyaw siyang muli. “Enough! Fine, fine, I’m sorry, enough! Masakit na talagaaaa!” Bumukas bigla ang pintuan sa silid kung nasaan kami ni Cyrus. “Anong nangyayari?” Napalingon ako. Nagtatakbuhan ang limang werewolf kasama na si Ron ‘tsaka ‘yong Alpha. Napasugod din si Sharen pati si Enie. Iyong isa hindi ko na knows. “Summer… masakit na talaga…” reklamo ni Cyrus. At dahil d’yan tinigilan ko na. Kawawa rin naman kasi. “Ano ‘yon?” naguguluhang tanong ni Ron. “Taming a vamp. He just…” napakamot ako sa ulo. “licked my neck while I’m trying to think of a way to get out.” They looked at Cyrus in revulsion. Na para bang nandiri sila. Umismid lang siya sabay ngiti ng malapad. Psh. Bampirang mahalay. Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Spear. “Akala ko pa naman hunter na.” Hala ka dong. Masyado ka namang tensyonado. Umayos ako ng tindig bago kaswal na bumaling kay Spear. “Mind if you get me a room? We’ll probably be staying here for a while since hindi kami makalabas dahil sa barrier. Might as well get comfortable habang naghihintay.” “Yes of course, follow me.” “Sama ak—” Bago pa man matapos ni Cyrus ang kanyang pahabol, binalingan siya ni Spear at nagpakawala ng mahinang growl pero intense. Wow. Haneeep! Ang gulo kasi ni Cyrus, nagalit tuloy si kuya Alpha. “Ron, bigyan mo ng kwarto ‘yan,” maikling utos ni Spear, pertaining to Cyrus. Nilingon ko si Cyrus at binelatan siya. “Neener-neener!” Umismid lang siya at umiling-iling. Sumunod na ako kay Spear papunta sa kwarto na dapat ay pagdadalhan niya sa akin. We ended up on the third floor of the mansion. Pumasok kami sa kwartong mahogany ang pintuan. Na-amused kaagad ako. Bukod sa malaki ang kwarto, makapal ang pader niya. The bed was a king size with a canopy. Lahat naman ng appliances na hahanapin sa isang entertainment room ay naroon na rin, complete with an en-suite pa. The walls are painted in cream and baby blue. Maaliwalas at komportable ang vibe. “Lahat ba ng kwarto dito ganito kalaki?” tanong ko kay Spear. “Usually ang mga nago-occupy ng rooms sa amin ay may mga asawa at pamilya. One room is equivalent to one family or one pair. It was made to be like that.” “Mistic’s room is larger than this but… walang thick walls.” “Oh.” Nagkibit siya ng balikat. “For wolves… it has to be soundproof.” Tumingin ako sa kanya. Tinignan lang din niya ako. Did he just mean… “Oh, okay. I get it.” Tumango lang siya. Is he… Teka nga lang, nao-awkward ba siya sa akin? “Look, Alpha, I didn’t—” “Maiwan na kita,” pagpapaalam niyang pumutol sa dapat sana’y paliwanag ko. “Puntahan mo na lang si Sharen o si Ron kapag may kailangan ka pa.” Eh? Hala, nilayasan ako. Sheez. He’s too cold to talk to. Maya-maya lang, hinagis ko na ang sarili ko sa kamang malaki ‘tsaka malambot. Feeling ko totoo nga. Pang-mating at saka pang-pamilya ‘tong ganitong kwarto. Soundproof dahil sa kaka-ungol? Not a bad idea. Wolf sila, e. Haist. Mom… bakit ba ganito na lang kamalas ang buhay ko? First, I was imprisoned for goddamn five years. Second, I’ve been chased for two long years. And now this. Ma… may sama ka ba ng loob nang ipanganak mo ako? Bakit ka naman gan’yan? Haruuu! I decided to stand up. May terrace sa loob ng silid kaya’t binuksan ko ang glass door at pumunta sa may barandilya. Tanaw ang unahang bakuran ng mansyon kung saan kami nakatayo kanina mula sa kinaroroonan ko ngayon. “BOO!” “AAAAAAAAAAAAAHH!” Boogsh! Naiwan akong nakatanga do’n. What did… What did I just do?! Teka nga. Rewind! “BOO!” Bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Cyrus na nakalutang sa ere—malamang dahil bampira siya at kung saan-saan lang sumusulpot ‘yan. Kasama sa abilidad niya ang lumutang-lutang at lumilipad-lipad. “AAAAAAAAAAAAAHH!” At ako po ay nagulat kaya napasigaw. Boogsh! At dahil sa nagulat ako, agad na umigkas ang aking kamao. Nasapak ko siya kaya laglag siya sa ibaba. Ngayon? Pinagkakaguluhan na siya ng mga babae habang nakahiga siyang flat sa may lupa. Susmaryosep. Hindi naman mamamatay ‘yan. “Anong nangyari? Okay ka lang?” humahangos na sulpot ni Ron sa pintuan ng balkonahe. “Ah, yeah I’m okay. Nang-good time lang si Cyrus.” “Oh.” He looked down at Cyrus still lying on his back and being surrounded by girls from the pack. “Buhay pa ba ‘yan?” “Oh trust me, buhay ‘yan.” Buhay na buhay! Maya-maya’y tumawa si Ron. “You two are weird.” Kung hindi ba namang weird ang maging tamer ng isang bampira ay isang werewolf. As far irony’s go, iyon na yata ang tumatalbog sa lahat ng irony. “May I ask you something?” pag-iiba ko ng usapan. “Bakit… gano’n ‘yong Alpha n’yo?” “Si Spear? Bakit?” “Well there’s something about him I can’t explain. Alam kong Alpha siya kaya medyo badass ang dating at strict pero hindi, e. Really… he’s cold.” Ilang saglit lamang ng pag-iisip ay napatango na siya na waring na-gets ang sinasabi ko. “It has something to do with Edka, his mate. She ran off.” Kasabay  ng paglaki ng mata ko sa gulat ang pag-arko ng kilay ko sa pagtataka. May mate na tumatakbo? “Hala, bakeet?” “Simula pa man nang mapadpad si Edka sa pack, she made clear to us what she wanted when she finds her mate. A normal life. I mean… she’s sixteen, bata pa siya nang makasama niya si Spear who is twenty two years old by that time. Gusto ni Edka ng normal na buhay, with her kids, her husband on work—but not this kind of work. Adventurous siyang tao. Gusto niyang lumalabas ng bayan at hindi nakakulong dito.” Aba e kahit naman ako, ‘no. Pero mas sanay lang akong nakakulong. Sanayan lang naman kasi talaga ‘yan. At saka marunong kasi akong makuntento. Kung kasama mo naman ang taong magpapasaya sa ‘yo, bakit ka pa maghahanap ng ibang anyo ng kaligayahan? Ang nonsense naman no’n. “Pagkatapos?” “Two years ago tinakbuhan niya si Spear. Sa takot na ma-stuck siya bilang means of reproduction, she ran away. Simula no’n hindi na siya mahanap. At simula din no’n, naging ganyan na si Spear. Naging malungkot siya, depressed, simula nang iwanan siya ni Edka. Minsan, kapag sinumpong, bigla siyang maglalaho ng parang bula at hindi namin mahagilap sa kwarto niya. Makikita mo na lang siyang tumatakbo ng walang hinto sa buong kakayuhan. His little way of taking out his depression.” Kawawa naman… Hanep na lab istori ‘to. Saan ka naman ba kasi nakakita ng mate na tumatakas dahil natatakot siyang gawing inahing baboy? Ang adik nu’ng babae. “So may age gap sila?” “Six years,” ‘di naman pala kalakihan. Akala ko May-December affair ang peg, e. “Twenty eight na siya?” Tumango si Ron. Haru. Two years na lang laglag na sa kalendaryo. Grabe, hindi halos halata kay Spear.   ***   Lumabas na rin si Ron pagkatapos ng pag-uusap namin. Nagpahinga na ako. Nagising ako nang pakiramdam ko ay may nakadagan sa akin. Umaga na nang pagkadilat ko. Lumingon ako upang sipatin kung sinong katabi ko. Holy shet! “Anak ng patola! CYRUUUUS!” Itinulak ko siya sa sobrang inis at gulat ko. Nalaglag siya sa kama na naging sanhi para bigla siyang magising. “Summer…” tila batang reklamo niya. “Ang aga-aga naman, e.” “Anong ginagawa mo dito?” “Ang laki masyado ng kama sa kabila. Mahirap ng walang katabi kaya sa ‘yo na ako tumabi. H’wag kang mag-alala, hindi ako nakikipag-s*x sa tulog. Nakakabawas ng atmosphere ‘pag ganu’n. Boring,” at saka siya ngumisi. Ugh! “Pakshet ka talaga.” Tumatawa siyang bumalik sa higaan. Tumayo na ako. Nakakita ako ng damit na pampalit sa may mesa. Huhubarin ko na sana ang damit ko. Napalingon lang ako. “H’wag kang maninilip. Dudukutin ko ‘yang mata mo.” “Opo,” saka siya nagkunwaring natutulog. Eesh. Naghubad na ako leaving my undergarments on. Hindi naman nakakahiya, e. I was always fit. Bantay-sarado ako sa figure ko kahit pa noong nakakulong ako. Kahit pa nga mag-strip show ako walang mandidiri. Baka maglaway pa nga, ‘no. Tinignan ko si Cyrus pagkatapos kong magbihis. Nagtutulog-tulugan pa rin. Binuksan ko ang glass door ng balcony. Bumungad sa akin ang view ng mga werewolf sa ibaba na nagte-training. But only one wolf caught my eyes. Alpha Spear. He shifted back in human form. Normal na sa kanila ang maging hubo’t hubad pagkatapos no’n. But… tao ako, eeeh! Hindi normal sa ‘kin ‘yon! Nag-angat siya ng tingin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Kahit ni-nenerbyos ako, kumaway lang ako ng kaswal sa kanya. Lord, nakakatakot po siyang tumingin. I backed out sa takot na mapansin niyang namumula ang mukha ko. Bumalik ako sa kwarto. Nagulat ako nang bigla akong sunggaban ni Cyrus ng halik at ibuwal sa kama. Then he positioned on top of me na lalong ikinagulat ko. Itinulak ko siya sa dibdib. His face is merely inches away from mine. Natigilan ako at napatitig sa labi niya. His kiss… Sinundan ng daliri ko ang linya ng malambot niyang labi. Napakunot siya ng noo bago dampian ng halik ang daliri kong nasa bibig niya. “What’s the matter, honeysuckle?” “Your lips…” alam kong normal iyon kasi bampira siya pero sadyang hindi ko mapigilan. “He’s as cold as your lips.” Ginawaran lamang niya ako ng maiksing ngiti bago bumalik sa paghalik sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD