Rule Eight Enchanted To Meet You Summer’s POV “At dito, hindi ka mabo-boring. Laging may gagawin, lagi kang busy, laging may iuutos, at laging may lalake.” A sly grin appeared on Sharen’s face after that word. “So… anong kinalaman ng lalaki sa sinasabi mo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Tinawanan niya ako ng malakas. “Wala naman. Sinasabi ko lang na marami kang pagpipilian. Lahat ‘yan macho,” saka niya itinaas-baba ang kilay niya. Maharot talaga. Nasa kusina kami. Actually, gusto ko lang kasi magluto bigla. Cyrus was nowhere to be found. Probably flirting around. Kami naman ni Sharen, naghahanda ng iluluto niya para sa hapunan. “So ilang pack members meron kayo?” maya-maya’y usisa ko. “Around thirty. Kasama na ang mga bata.” Tumango-tango ako. “A bit small.” “Pero malalaka

