ASHER The next day, I woke up a little bit late dahil hindi agad ako nakatulog kagabi. At ang pinakaunang pumasok sa isip ko ay si Raven. Hindi agad ako bumangon ng kama. Ilang minute akong nakipagtitigan sa kisame habang ang isip ko ay puno ng mga katanungang may kinalaman sa nangyari sa amin ni Raven kagabi. Gusto ko sanang mangapitbahay agad ngayong umagang-umaga pero naalala ko `yong sinabi niya kagabi na huwag na muna akong pumunta sa apartment niya ngayon dahil magiging busy siya. And I wonder kung saan siya magiging busy. Must be work-related. And come to think of it, sa ilang linggong pamamalagi ni Raven dito sa compound na pagmamay-ari ko, ni minsan ay hindi niya nasabi sa akin kung ano ang trabaho niya. I made a mental note to ask her kapag nagkita ulit kami if what her work

