RAVEN “Zeke, sino—” tumigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Asher na nakatayo sa harap ng pinto ng apartment ko. Namumula ang mukha niya at halos magsalubong na ang mga kilay niya dahil sa sobrang pagkakakunot ng nuo niya. Bago pa man ako makahuma at makapagsalita ulit ay tumalikod na siya at tahimik na naglakad palayo—bagsak ang mga balikat at bahagyang pa ekis-ekis ang paglalakad. Hindi ko na napigilang tumawa nang tuluyan nang pumasok sa apartment niya si Asher. “What was that for?” nagtatakang tanong ni Zeke na ngayon ay nakaupo na sa sofa. Tinanggal na niya ang tulwayang nakatapi sa bewang niya pero may suot naman siyang boxer shorts. Kung hindi lang ako faithful sa katawan at alindog ni Asher, mate-tempt siguro ako sa mga abs ni Zeke. This guy sitting on my sofa is one hot p

