Pagpasok ko sa sala ay hindi ko nakita si Ash. Halos kapareho lang ng floor plan ng unit ko ang unit ni Ash. Nagkaiba lang ng mga gamit at ng pagkaka-pwesto ng mga iyon. Umakyat ako sa hagdan at gamit ang celphone ko ay iyon ang ginawa kong pang-ilang dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang mga switch ng ilaw. May dalawang pinto dito sa itaas. Nang buksan ko ang unang pinto ay agad na bumungad sa akin ang liwanag na nagmumula sa lampshade. At sa gitna ng kwarto ay naroon ang isang king-sized bed kung saan nakadapa ang isang bulto ng katawan na alam kong walang iba kundi si Asher. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at saka pinagmasdan si Ash na walang ibang suot kundi puting-puting briefs. Sumampa ako sa kama at saka dahan-dahang yumakap sa kanya. "Ash?" marahang tawag ko sa pangalan ni

