RAVEN Pagmulat ko ng mga mata kinabukasan ay mag-isa na lang ako sa kama. Wala na sa tabi ko si Asher pero naiwan naman ang amoy niya sa bed sheet at unan na ginamit niya kagabi. Wala sa sariling niyakap ko ang unan at saka iyon inamoy-inamoy habang bahagyang nakangiti. Nasa ganoong akto ako nang biglang bumukas ang pinto at bigla na lang pumasok ang lalaking siyang may-ari ng scent na inaamoy-amoy ko. “Good morning,” nakangiting bati sa akin ni Asher bago tuloy-tuloy na sumampa sa kama. Halatang nakaligo na siya dahil bahagya pang basa ang buhok niya. This morning, I decided that Asher looked undoubtedly handsome and fresh. “Morning,” matipid na bati ko rin sa kanya. Tatayo na sana ako para pumunta ng banyo nang bigla niya akong pigilan sa isang kamay. Mabilis na napatingin ako doon d

