Finally. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang ihinto ni Asher ang motor sa tabi ng kalsada matapos ang mahigit tatlumpong minutong pagda-drive. Actually, malapit lang naman pala ang destinasyon namin pero ewan ko ba sa Asher na `to at nagpa ikot-ikot pa kami sa pinaka-sentro ng bayan ng Javier. At makalipas nga ang ilang minutong pagpapasikot-sikot sa mga eskinita ng bawat kalye ay huminto kami sa tapat ng isang napakagandang bakuran. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko ang nakasulat sa arko na gawa sa isang halaman na hindi ko alam kung ano ang pangalan. May nakasabit kasi doong karatula na may nakasulat na “Welcome to Dominique’s Paradise.” Pangalan pa lang ng lugar ay nakaka-good vibes na. At kaya pala ang sagot ni Asher sa akin kanina ay sa paradise niya ako dadalhin dahil

