ASHER Mabibigat ang hakbang na naglakad ako palabas ng condo unit ni Raven. Bawat hakbang ng paa ko ay lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko. A part of me wanted to stay but a bigger part of myself wanted to actually save myself from a bigger possible heartache. Kung hihinto ako at babalik sa loob ng unit ni Raven, sigurado akong hindi na ulit ako magkakaroon ng lakas ng loob na talikuran siya. And I don’t want that to happen. Dahil sa huli, alam kong ako lang ang maiiwang talunan. At habang tila lutang na naglalakad sa lobby ng condo unit na `to ay binalikan ko sa isip ko ang mga nangyari simula kahapon. Kahapon habang busy si Raven sa pagre-revise ng ilang eksena sa Midnight Lover, nagpaalam ako para lumabas saglit. Hindi ko alam kung saan ako eksaktong pupunta basta ang alam

