RAVEN Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko alam kung paano ko kinayang wala si Asher sa tabi ko. Aaminin kong nami-miss ko siya… sobra. Kung may salita pang mas hihigit sa “sobra,” iyon na mismo ang nararamdaman ko. Ilang araw na rin akong nangangalumata dahil kulang ako sa tulog gawa ng kakaisip sa kanya. At mas lalo pang nadagdagan ang pangungulila ko sa kanya nang bigla na lang dumalaw sina mommy at daddy dito sa unit ko nang nakaraang araw. Bagama’t may dinaramdam ay pinilit kong ngumiti sa harap nila. Pero sabi nga nila, parents knows best. Alam nila kung kelan tayo malungkot at kung kelan tayo higit na masaya. “Anak, are you okay?” tanong ni daddy na nakamata sa `kin. Nasa sala kami at pinagsasaluhan ang mga pagkaing dala nila ni mommy. “I’m okay, dad,” pinilit kong ngumiti

