NAKARATING kami sa lugar kung saan ko binalak dalhin si Randal. Ito ang isa sa pinakamalaking lungsod sa karatig ng Manila. Ang sabi sa akin ni Sundo--- noong nag-usap kami ng masinsinan alam kong makikita namin si Mira sa lugar na 'to. Hindi niya man alam kung saan mismo dahil isa pa ring lihim 'yon para sa kaniya. Ginawa ko na lamang ang lahat ng paraan kaya ako nandito ngayon kasama si Randal at Gabay. "Nandito na tayo," untag ko sa kanilang dalawa nang huminto na ang taxi na sinasakyan namin. "Sana may malaman tayo tungkol sa kaniya," sabi sa akin ni Randal. "Oo nga. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Malay natin nandito lang siya." Naunang lumabas sa akin si Randal at sumunod ako sa kaniya. Ganoon din si Gabay--- hanggang ngayon wala pa rin palang pweding makakita dito kahit na sino

