MINERVA VICENTE KANINA pa ako hindi mapakali. Sinugod na naman pala ako sa hospital. Nagising na lamang ako na naka-dextrose na naman ako. Sumama na naman ang pakiramdam ko. Isa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit nagkaganoon. Alam kong hinanap ko si Rodrigo--- ilang buwan na itong nawawala mula sa akin. Napapikit ako. Ayaw kong isipin sa sarili kong may masamang nangyari sa asawa ko. Kahit na nandoon ang takot na posible ngang may hindi na magandang nangyari dito. Naiiyak na naman ako. Mahal ko si Rodrigo at kahig na hindi kami madalas magkasundo sa sarili ko alam kong mahal ko siya na mahal na mahal ko ang asawa ko. Hindi nambabae si Rodrigo at yon ang pinaniniwalaan ko. Kung noon nagdududa man ako sa kaniya noong nabubuhay pa siya--- siguro dahil dala ng 'yon ng pagdadalang-

