"GANOON PO BA? MARAMING SALAMAT na lang ho.." Narinig kong sabi ni Juliana sa babaeng kausap nito. Pansin ko ang laglag na balikat nito habang papalapit sa amin ni Gabay kung saan niya kami iniwan kanina. Ito ang nagpresentang pumunta sa isang pribadong opisina para makipag-usap sa loob tungkol sa ilang detalye na kailangan namin. "Ano ang nangyari?" salubong ko sa kaniya. Tipid na ngumiti sa akin si Juliana. "Wala raw daw silang kilalang Mira o kung mayroon man malabo raw na makita natin, dahil napakarami daw kaparehas ang pangalang 'yon. Which is right, Randal. Mahihirapan nga tayo," tugon nito sa akin. Hindi ko napigilang mapayuko sa mga sinabi sa akin ni Juliana. "Ano ang gagawin natin?" tanong ko. Nilingon nito ang opisina kung saan ito galing kanina. "Nalulungkot ako, Rand

