"NAALALA MO PA BA AKO?" tanong nito sa akin nang lumipat ang tingin sa akin.. "Wala akong maalala, wala akong kahit na anong matandaan," sagot ko sa kaniya. "Hindi mo kailangan pilitin, Randal. Hindi ko naman sinasabing kailangan mong maalala ang mga bagay na tungkol sa akin. Walang problema kung wala kang matandaan," anito. Linipat ko ang tingin ko kay Juliana. "Nandito kami para sa isang gabay na kailangan namin mula sa 'yo," simula ni Juliana. "Ang tungkol ba sa misyon niyo?" tanong nito. Pinaglipat-lipat ang tingin sa aming tatlo ni Gabay. "Tungkol kay Mira." "Si Mira ay isang espesyal na tao. Hindi dapat magmumula sa akin ang kahit na ano'ng impormasyon kailangan niyo patungkol sa kaniya," sabi nito. Alam ko ang bagay na 'yon. Kami ang siyang kailangan magdiskubre ng mga ba

