RANDAL DE JESUS NAKARATING kami sa bahay. Ilang minto rin bago mag-alas dyes. Halos pagod na pagod ako. Gusto ko na agad magpahinga. Ganoon din si Juliana at Gabay, halata sa mga mukha nito ang pagod na mayroon sa mga mata nila. Nakapasok na kami sa bahay. "Kung gusto niyo magpahinga--- magpahinga na kayo. Ako na lang ang bahala dito," bilin ko kay Juliana at Gabay. Tumalima naman ang mga ito at iniwa ako sa sala matapos magpaalam sa akin. Tulad kanina sinigurado kong sarado ang mga pinto ng bahay at maging aming maliit na kusina--- kasama na rin ang mga bintana. Hindi na namin nakuhang kumain dala ng pagod na nararamdaman namin dahil sa matinding traffic na pareho namin kinasadlakan kanina. Nagpasya muna akong magmuni-muni dito sa sala ng bahay. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pa

