RODRIGO
NAKARATING kami sa Tagaytay kung saan ko binalak dalhin ang dalawa para ipasyal. Sabi ni Rose 'yon daw ang unang beses na nakapunta sila ni Johan d'on ang unang araw na nakalabas din si Johan pagkatapos ng ilang buwang pamamalagi nito sa bahay nila dahil nagkasakit ito ng tigdas araw.
"Nandito na tayo," untag nya sa dalawa. Nagising agad si Johan nang marinig siguro ang boses ko.
May ngiting sumilay sa labi nito. Isa sa mga labis niyang nagustuhan dito ang pagiging magiliw nito sa akin.
"We're here," sabi ko rito.
"Talaga po?" galak nitong bulas sa akin.
Inikot nito ang mga mata sa paligid sa labas ng bintana ng bus. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata nitong hindi nito maitatanggi dahil siguro sa magagandang tanawin ngayon lang talaga nakita gaya nga ng sabi ko kanina.
"Tito Dok, ang ganda po rito," bulas nito sa akin.
Napangiti ako sa kaniya. Ginulo-gulo ko ang buhok nito--- samantalang si Rose nakatingin lang sa aming dalawa ni Johan.
"Baba na tayo," sabi ko sa kanilang dalawa.
Naunang tumayo si Rose at inalalayan nito si Johan. Tumayo na rin ako para makadaan silang dalawa.
"Salamat ulit ha. Alam kong napakaraming beses ko na yatang nagpapasalamat sa'yo at hindi pa rin matapos-tapos 'to," sabi sa akin ni Rose.
Hindi na ako tumugon sa kaniya. Nauna akong maglakad kay Rose--- akay-akay ko pa rin ang kamay ni Johan, hanggang sa makababa kaming dalawa sa bus.
Binalikan ko si Rose at ito naman ang inalalayan ko habang nilagay ko sa ligtas na pwesto si Johan.
"Mabuti na lang pala at wala tayong maraming dala. Napakalayo pala ng lugar na 'to," sabi sa akin ni Rose.
Tuluyan na itong nakababa at agad naming nilapitan si Johan kung saan ko iniwan ito kanina. Mabait lang talaga ang batang 'to at kahit na iwan ko siguro ng matagal mananatiling nandoon pa rin ito.
May maluwag itong ngumiti ng sinalubong kaming dalawa ni Rose.
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman po. Hindi naman kayo nagtagal ni mommy, Tito Dok, kaya okay lang naman po ako rito," magalang nitong sagot sa akin.
"Kahit iwan mo yan ng matagal hindi mawawala 'yan," nakangiting turan sa akin ni Rose.
Inakbayan nito si Johan paharap sa akin. Minsan may mga pagkakataong gusto ko silang tanungin kung nasaan na nga ba talaga ang tatay ni Johan. Kung ano nga ba ang nangyari sa relasyon ng mga ito? Para kasi sa akin sayang at iniwan nito ang mag-ina nito kung 'yon nga ang dahilan kung bakit nawala na lamang ito sa buhay ng mag-ina.
"Tayo na. Saan ba tayo mauuna?" tanong ni Rose.
Hindi ko alam kung nahulaan nga ba nito ang iniisip ko tungkol sa asawa nito at sa tatay ni Johan. Hindi na lamang ako nag-aksayang magtanong pa rito. Ayaw ko rin talaga masira ang araw na mayroon kami ngayon at isa nga lang ang gusto kong mangyari ang mapasaya silang dalawa.
Walang paalam na hinawakan ko ang kamay ni Johan--- habang ang kaliwang kamay naman ay nakahawak si Rose. Kung titingnan ng mga taong hindi kami kilala---malamang iisipin ng mga itong may maliit kamimg pamilya. Natawa na lamang ako sa naisip ko at bakit ko nga ba naiisip ang mga bagay na 'yon.
Malayong mangyari 'yon, bukod sa kasal na kami ni Minerva at magkakaanak na kaming dalawa kaibigan ko lang si Rose at hanggang doon lang ang lahat wala ng iba pa.
"Malamig pala rito," narinig kong sabi ni Rose.
Oo nga pala. Hindi ko rin naalala na pagdalhan sila ng jacket kahit naka-sweater si Johan at naka-maong jacket naman si Rose alam kong nararamdam pa rin ng mga ito ang lamig ng panahon sa lugar na 'to.
Nandito kami sa isang sikat na pasyalan ng Tagaytay ngayon ang tinatawag nilang Skyranch--- sa may unahan namin napansin ko agad ang may malaking ferreswheel at ilang luntiang mga puno sa paligid.
Agaw pansin din ang ilang mga taong piniling umupo sa berdeng damuhan na napakalinis talaga tingnan. Sa ibabaw na bahagi naman makikita mo ang ilang mga pribadong kainan at karamihan ay coffee shop. Doon ko muna balak dalhin ang dalawa--- kahit papano sigurado akong magiging maginhawa ang pakiramdam nila d'on at sigurado akong may heater d'on na magsisilbing maiinitan sila kahit papano. Baka kasi ubuhin at sipunin pa tong mga kasama ko mahirap na. Ayaw ko naman na hindi makapasok si Rose sa trabaho kinabukasan at makapasok sa eskwela si Johan kung magkaganoon.
Baka kasalanan ko pa kung mapano ang dalawang 'to.
"Magkape muna tayo at maaga pa naman, para makakain na rin kayo ni Johan," sabi ko kay Rose.
Sabay kaming napatingin sa may bahagi ng taas. Ilang hakbang na lang at malapit na rin kaming maka-akyat.
"Ikaw ang bahala. Baka nagugutom ka na rin, kasi kami ni Johan ayos lang naman at n'ong sinundo mo kami halos katatapos lang din namin kumain n'on," tugon naman sa akin ni Rose.
"Ako ang bahala. Masarap ang mga pagkain dito. Sigurado akong magugustuhan niyong dalawa ni Johan 'yon," sabi ko sa kaniya.
"Tingin ko nga at nilalamig na rin ako. Ikaw ba, Anak? Nilalamig ka na rin ba tulad ni mommy?" narinig kong tanong nito kay Johan.
"Not so, mommy. Pero gusto ko mag-milk," sabi nitong mukhang nahihiya pang magsabi sa nanay nito.
Nabaling ang tingin ko kay Rose na may pagtataka at pagtatanong kung nag-ga-gatas pa ba si Johan.
"Minsan na lang. Pero okay lang kung chocolate milk lang din ang kaniya, nalalamigan lang siguro siya," kumpirma sa akin ni Rose.
"Mayroon naman siguro sa taas. Huwag kang mag-alala kung wala magpapahanap ako ng mayroon," sabi ko sa kanya.
"Naku! Huwag na. Hindi mo naman kailangan mag-abala pa. Kahit na ano na lang ang mayroon. Nakalimutan ko rin kasi magdala at hindi ko nga naalala na baka sobrang malamig nga talaga ang panahon dito ngayon.."
"Ako ang bahala, Rose. Sagot ko kayo ni Johan. Kaya ko nga kayo dinala rito para ako na ang bahala e, kaya huwag kang mag-alala."
AGAD kaming nakapasok sa isang coffee shop na pinagdalhan ko sa dalawa. Hindi pa naman ganoon karami ang tao sa lugar na 'yon, kaya sa isang bakanteng pwesto kami umupong tatlo. Maganda 'yon at kitang-kita namin ang lahat ng tanawin sa labas--- lahat halos ng taong paakyat at ilang taong mas piniling umupo sa damuhan natatanaw naming tatlo.
"Gusto mo ba ng chocolate cake, Johan?" tanong ko kay Johan. I'll make sure na mayroon ito sa lugar na 'yon at hindi pweding wala d'on para kay Johan. Ito lang naman ang request niya kay Rose, kaya hindi pweding hindi ko pagbibigyan.