RANDAL HINDI ko namalayang nakaidlip na pala ako. Malayo na rin siguro ang nilakbay naming tatlo--- mahimbing pa rin ang tulog ni Juliana. Samantalang si Gabay napansin ko ang maikot nitong tingin sa paligid. Animo may hinahanap ang mga mata nitong hindi nito makita, may pagtataka man sa mga mata ko hindi ko na nagawang pansinin ito. Baka kako may in niisip lang ito, pinili kong hindi pansinin si Gabay. Inikot ko ang tingin ko sa paligid sa labas ng tanawin sa labas. Maganda talaga ang natatanaw ng mga mata ko. Puro luntian lahat ang halos nakikita ko--- wala akong tulak kabigin sa lugar na kung nasaan man kami ngayon kasama si Juliana at ang batang 'to. "May iniisip ka?" tanong ko kay Gabay nang mahuli ko itong nakatingin sa akin. "Wala naman. Ikaw? May iniisip ka ba?" balik tanong n

