RANDAL KANINA pa kami nakauwi dito sa bahay. Sandali lang ang ginawa namin pamamasyal, hindi naman kami nagtagal sa isang parke at gaya ng sinabi ni Juliana mas mabuti pang umuwi kami ng mas maaga pagkatapos ng lahat. Hindi na rin naman akong nag-atubiling hindi sundin ang gusto nitong mangyari kaya nga nakauwi kami agad dito. Nakapagpahinga na rin si Gabay at alam kong napagod sa ginawa naming pag-iikot kahit sandali. Masaya naman ako at kahit papano nakasama ko sila. Hindi ko nga rin akalain na magiging malinaw sa balintanaw ko ang pangitain na naging matagumpay kami. "Simula na ng laban sa totoo mong misyon, Randal, kailangan na natin mahanap si Mira sa lalong madaling panahon," sambit sa akin ni Juliana. Tsaka ko naalala ang sinabi ni Sundo sa amin noon ni Gabay--- may babae akon

