RANDAL "SIGURADO KA NA BA SA DESISYON MO?" tanong sa akin ni Juliana. Nadatnan ako nitong nag-aayos ng gamit ko. Napagkasunduan namin na lumuwas ng Manila--- para d'on mas magawa ko ang misyon ko sa lupa lalo na ang hanapin si Mira na kailangan kong makita sa lalong madaling panahon bago matapos ang isandaang araw na mayroon ako sa aking pagbabalik. Ang sabi sa akin ni Sundo sa malaking siyudad ko lang daw ito makikita kung saan ako nanggaling. Isa lang ang alam ko at sigurado ako--- sa Manila ako nagmula. Baka nandoon din ang pamilya ko. Ang pamilyang kailangan kong makita at makasama bago ako makatawid sa Paraiso. "Kailangan ko ng gawin 'to," tanging naging tugon ko kay Juliana. Ngumiti ito sa akin at hindi na nagsalita pa. Sa paglalakbay kong 'to kasama ko sila ni Gabay. May mi

