HATING-gabi na rin halos nang makarating kami sa Manila. Ang narinig ko nasa terminal na raw kami ng Cubao. Hindi muna kami lumabas ng bus--- hinintay muna namin na makalabas ang karamihan bago kami ni Juliana kasama si Gabay. Halos hindi ko rin namalayan ang oras. Halos walong oras din pala ang naging byahe namin. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkainip sa byahe dahil sa magagandang tanawin na natatanaw ko sa paligid. "Nandito na talaga tayo," sabi sa akin ni Juliana. "Oo nga. Ang simula ng laban," ani ko sa kaniya. "Laban na totoong kailangan natin ipanalo," ito naman ang bulong sa akin ni Gabay. Tama ito. Natatandaan ko ang sinabi sa akin ni Sundo noong una at huling beses ko siyang nakausap. "Pagbubutihan ko ang lahat ng kailangan kong gawin." "Kailangan mo lang mamuhay ng norma

