MIRA

1495 Words

NAKARATING na kami sa bahay kung saan kami pansamantalang tutuloy, kung magtatagal man kami rito walang makakapagsabi. Ang sitwasyon lang ang tanging may alam kung sakali. Tulog na tulog na si Gabay ganoon din si Juliana--- magkatabi pa rin ang mga ito at parang hindi magawang mapaghiwalay. Mas sumidhi ang damdamin kong matapos ang lahat ng nasimulan namin. Hindi ko na pweding pabayaan ang mga maaaring mangyari--- mahalaga sa akin ngayon ang makalaya na sa mundong 'to at tanggapin ang kapalaran ko talaga. Kung maaaring patay na nga ako tulad ng sinabi ni Juliana at Gabay wala ng dahilan para hayaan ko pa ang sarili kong tumagal sa mundong 'to. Gagawin ko ang lahat mangyari lamang ang nakalaan para sa akin. Wala akong sasayanging paraan at 'yon ay pangako sa sarili ko. Magtatagumpay ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD