MAGANDA ang umaga namin nang magising kami. Nasa maayos naman ang lahat lalo na si Juliana at Gabay--- hinanap ko lang ang tilaok ng mga manok nang magising kami. "Nakakapanibago no?" ani sa akin ni Juliana. "Oo nga e. Hinanap ko rin yong mga tilaok ng manok na nakasanayan natin sa probinsiya, kaya nakakapanibago talaga ng sobra. Siguro naman ilang sandali na lang makaka-adjust na rin tayo," ani ko sa kaniya. Nakasalubong ko sila ni Gabay nang lumabas sila sa sarili nilang silid--- kaharap lang din ng silid ko. "Maghahanda na ako ng makakain natin," sabi ko kay Juliana. Ako na ang nagpresenta para sa amin. Napansin ko naman ang siyang pagsunod sa akin ng dalawa hanggang sa kusina. "Ano'ng balak mong lutuin?" tanong sa akin ni Juliana. Umupo ito sa isang plastik na upuan na nandoon s

